December 13, 2025

Home BALITA

'We will arrest you!' banta ni Remulla sa aamba ng destabilisasyon sa INC protest

'We will arrest you!' banta ni Remulla sa aamba ng destabilisasyon sa INC protest
Photo courtesy: via MB

Tahasang nagbabala si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, laban sa mga nagbabalak umanong sakyan ang tatlong araw na protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) para lamang daw manggulo.

Sa isang radio interview nitong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025, iginiit ni Remulla na nakahanda raw nilang damputin ang mga magpoprotesta nang walang permit partikular na sa kahabaan ng Mendiola.

“Ngayon palang sinasabihan ko na lahat, ngayon pa lang, yung gustong mag-destabilization... 'Pag ganitong red-alert kami, ang mga lugar ng Mendiola na 'yan, yung malapit sa Malacanang, no man's land 'yan. Basta kayo pumorma diyan, wala kayong permit susugod kayo. We will arrest you. We will do whatever it takes to stabilize the country,” anang DILG Secretary.

Matatandaang nauwi sa riot ang malawakang kilos-protestang ginanap noong Setyembre 21, kung saan tinatayang nasa 200 katao ang naaresto ng pulisya na pawang mga sangkot umano sa kaguluhang sumiklab sa pagitan ng pulisya at grupo ng mga raliyista sa Mendiola at Recto.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kaugnay nito, pinabulaanan din ni Remulla, na wala umanong napatay sa nasabing riot.

"I would like to debunk the rumors going around that someone died, that there was a death. There were zero casualties. I repeat, there were zero casualties. What is spreading around social media is fake news," ani Remulla sa isang press briefing noong Setyembre 22. 

KAUGNAY NA BALITA: Remulla, sinabing walang namatay sa kilos-protesta sa Maynila