December 12, 2025

Home BALITA Politics

'This will not stop us!' Rep. Barzaga, sinupalpal ng reklamong sedisyon, rebelyon

'This will not stop us!' Rep. Barzaga, sinupalpal ng reklamong sedisyon, rebelyon
Photo courtesy: File photo

Pinalagan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang subpoenang nagsasaad ng reklamong sedisyon at rebelyon laban sa kaniya.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025, ibinahagi ni Barzaga ang kopya ng nasabing subpoena at saka tahasang nagbitiw ng tirada laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Bongbong Marcos How many people have your father killed or imprisoned before he was removed from power?” ani Barzaga. 

Saad pa niya, “This will not stop us, this will only make the revolution stronger!”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Mababasa rin sa naturang kopya ng subpoena na inilabas ng Office of the City Prosecutor ng Quezon City, na nakatakdang humarap sa kanila si Barzaga sa darating na Nobyembre 18 at Nobyembre 25 sa ganap na 3:00 ng hapon.

Anang subpoena, nahaharap si Barzaga sa reklamong paglabag sa Article 142 (Inciting to Sedition) at Article 138 (Inciting to Rebellion) ng Revised Penal Code.

Matatandaang nagsimulang magpatutsada si Barzaga sa kasalukuyang administrasyon matapos ang pag-alis niya sa mayorya ng Kamara bunsod umano nang pagbintangan siyang may kinakalap na signature campaign laban kay House Speaker Martin Romualdez.

KAUGNAY NA BALITA: Cavite solon na iniugnay sa pagpapatalsik kay Speaker Romualdez, kumalas sa majority bloc

Bukod dito, nauna na ring alisin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang reservist si Barzaga, bunsod pa rin ng maaanghang na patutsada nito sa kaniyang social media accounts.

KAUGNAY NA BALITA: 'He was insinuating sedition!' Rep. Barzaga, inelbow na bilang military reservist

Kasalukuyang nahaharap sa Ethics complaint si Barzaga matapos ang nasabing niyang magkakasunod na tirada sa social media laban sa matataas na opisyal ng gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: 'I know he is not well!' Ethics complaint, ihahain laban kay Rep. Barzaga