December 13, 2025

Home BALITA National

'State of Full Transparency din!' Rep. Diokno, nag-react sa deklarasyon ng State of National Calamity

'State of Full Transparency din!' Rep. Diokno, nag-react sa deklarasyon ng State of National Calamity
Photo courtesy: Chel Diokno/FB, PCO via MB


Nagbigay ng komento si Akbayan Partylist Representative Chel Diokno hinggil sa pagkakadeklara ng State of National Calamity sa bansa.

Kaugnay ito sa pagkasa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isailalim ang Pilipinas sa State of National Calamity sa loob ng isang buong taon, dulot ng ipinamalas na bagsik ng bagyong Tino sa malaking bahagi ng Kabisayaan kamakailan.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, kinasa 1 taon 'state of national calamity' dahil sa bagyong Tino-Balita

Sa ibinahaging Facebook post ni Rep. Diokno nitong Miyerkules, Nobyembre 12, sinabi niyang kasabay ng naturang state of calamity, nararapat din daw na sabayan ito ng state of full transparency.

“Ngayong dineklara na ang State of National Calamity, dapat sabayan din ng State of FULL TRANSPARENCY,” ani Rep. Diokno sa post.

Photo courtesy: Chel Diokno/FB

Inilahad niya rin ang ilan pang bagay na mauulit umano kung walang transparency.

“Kung walang transparency, hindi lang baha ang uulit—pati Pharmally at flood control corruption. Kailangang malinaw ang bawat sentimo at kontrata: i-publish online lahat ng negotiated contracts, bawal bigyan ng proyekto ang undercapitalized o fly-by-night na kompanya, at magkaroon ng independent audits at regular public reports sa paggamit ng calamity funds,” aniya.

“Isama ang mga LGU at mga apektadong komunidad sa pagbabantay at desisyon, maglagay ng sunset clause para siguradong may hangganan ang emergency powers, at magbukas ng reporting channels para sa mga mamamayang gustong mag-sumbong ng abuso,” pagtatapos niya.

Matatandaan ding ikinasa ang State of National Calamity upang mas mapabilis ang access sa emergency funds at procurement process hinggil sa relief supplies.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA