Pinabulaanan ng Star Magic ang kumakalat na pahayag umano ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa social media.
Sa isang Instagram post ng management ni Kathryn noong Martes, Nobyembre 11, sinabi nilang hindi umano nananawagan si Kathryn na tumulong nang walang kamerang nakatutok.
“Star Magic would like to inform the public that our artist Kathryn Bernardo did not make the remark that is circulating on social media,” saad ng Star Magic.
Dagdag pa nila, “We ask everyone not to share the fake post and to verify information before sharing.”
Shinare din ng aktres sa kaniyang Instagram story ang nasabing post.
Samanatala, umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sabi na fake news yun e. Sa rally nga tahimik sya tas biglang my post nyan.. daming paninira talaga"
"Mga post na ganyan dapat nirereport eh.. smh.."
"Agree ako dito kaya pinapala "
"Buti pa tong star magic pinoprotektahan mga artista nila samantalang sa sparkle artists gma kanya kanya sila katulad nlng issue ni jillian.. kawawa din ibang artists nila"
"She is not relevant anymore. It’s ok"
"Marami ng fakenews now a days dahil kay meta na lahat nalang pwede pagkakitaan"
"Nasanay na ang DDS gumawa ng kwento at manira. Dami pa yan sa iba't ibang artists nyo, scan lang sa reddit, blue app at clock app...pinagkakitaan ang walang kwentang content."
"Always stand with our girl"
"Protect Our Asia's Billionaire Superstar "
"ganito sana. pakisunod yung mga na sa x at reddit"
"ND Yan mgkkita s Nfeed q nd Yan mkkita na pptulan q ishare kc fact check muna bgo post... Xmpre Queen Kath aq"
Matatandaang binatikos ang nakakabinging katahimikan ni Kathryn sa mga isyu ng Pilipinas lalo na sa talamaka na korupsiyon.
Sa katunayan, kinuwestiyon ng netizens ang iginawad sa kaniyang pagkilala ng Edukcircle nang gawaran siya bilang “Most Influential Celebrity of the Year.”
Maki-Balita: ‘Most Influential Celebrity’ award ni Kathryn, kinuwestiyon ng netizens: ‘Pero tahimik sa social issues?’