December 13, 2025

Home BALITA National

PSEi, lagpak ng 5 taon—mas mababa kaysa sa tala noong pandemya!

PSEi, lagpak ng 5 taon—mas mababa kaysa sa tala noong pandemya!
Photo courtesy: The Philippine Stock Exchange, Inc. (FB)

Lagpak umano nang limang (5) taong mas mababa ang Philippine Stock Exchange Index (PSEi) kumpara sa tala ng bansa noong pandemya dahil sa mabagal na pag-unlad ng ekonomiya noong mga nakaraang linggo. 

Ayon sa mga ulat, bumagsak ang main index ng PSEi sa 0.99% o 56.73 ang puntos na naitala ng bansa at sarado sa 5,702.64 noong Lunes, Nobyembre 10, 2025, at pagbagsak na 1.29% o 73.57 puntos na sumara sa 5,629.07 noong Martes, Nobyembre 11, 2025. 

Photo courtesy: The Philippine Stock Exchange, Inc. (FB)

Photo courtesy: The Philippine Stock Exchange, Inc. (FB)

Higit na mas mababa ito sa kaysa sa 5,570.22 na kabuuang puntos na naitala ng bansa noon pang limang (5) taon na ang nakalipas sa buwan ng Mayo 28, 2020, sa panahon ng pandemya ayon kay Chief Economist Michael Ricafort ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC). 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ayon naman sa AP Securities Inc., “Philippine equities bucked the regional upswing in markets following a report showing that foreign direct investments plunged by 40.5 percent in August and by 22.5 percent on a year-to-date basis, providing yet another data point supporting the case for slower economic growth for the remainder of the year.”

Dagdag naman ni Luis Limlingan, Managing Editor sa Regina Capital Development Corporation, bumaba ang naitala ng Philippine market sa kabila ng mas murang mga valuation ng Gross Domestic Product (GDP). 

“The Philippine market ended lower despite cheaper valuations following the release of the GDP [gross domestic product] figures. Investors remain cautious about entering the market as concerns over macroeconomic conditions persist,” saad ni Limlingan. 

“More firms are releasing their earnings, contributing to the overall mixed sentiment in the market,” dagdag pa niya. 

Isa sa mga pangunahing tinitingnan sa pagbagsak ng PSEi ay ang mga nagdaang unos na bagyong Tino at super typhoon Uwan sa bansa nitong mga nakaraang linggo. 

Dagdag pa umano rito ang mga pagbagsak ng net inflows ng foreign direct investments (FDIs) at mga dagdag singil sa litro ng gasolina at kuryente sa bansa.

MAKI-BALITA: Foreign Direct Investment ng Pinas, lumagapak sa 40%—BSP

Mc Vincent Mirabuna/Balita