Isinusulong ng ilang mambabatas at iba pang miyembro ng National Unity Party ang pagpapatupad ng Constitutional Convention para amyendahan at irebisa ang 1987 Constitution.
Batay sa inihaing House Bill No. 5870, nakasaad na kinakailangang baguhin ang konstitusyon dahil sa natuklasang “significant imperfections” sa mga nakalipas na taon.
Kabilang dito ang kalabuan ng lenggwahe, drafting lapses, at procedural inconsistencies na nakakahadlang sa reporma, pagpapanagot, at sumisira sa public confidence ng mga institusyon.
Ilan sa mga naghain ng panukalang batas ay sina Deputy Speaker at Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno, Negros Occidental 4th District Rep. Jeffrey Ferrer, Malabon Lone District Rep. Antolin Oret III, Bulacan 2nd District Rep. Augustina Dominique C. Pancho, at iba pa.
Matatandaang nagkaroon ng panawagang People’s Initiative noong 2024 para maisulong ang Charter Change (Cha-Cha) na naglalayong amyendahan ang konstitusyon.