December 12, 2025

Home BALITA

‘Paperless!’ OVP, tumanggap ng 5 parangal sa 2025 Productivity Challenge

‘Paperless!’ OVP, tumanggap ng 5 parangal sa 2025 Productivity Challenge
Photo courtesy: OVP (FB)

Tumanggap ng limang parangal ang Office of the Vice President (OVP) sa ginanap na 2025 Productivity Challenge: Paper-less ng Development Academy of the Philippine.

Ayon sa ibinahaging mga larawan ng OVP sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Nobyembre 12, makikita ang pagtanggap nila ng mga tropeyo at sertipiko ng pagkilala sa nasabing okasyon.

“Nakatanggap ng Special Citation ang Office of the Vice President (OVP) mula sa Development Academy of the Philippines sa ilalim ng 2025 Productivity Challenge: Paper-less – 1 Million Sheets of Paper Saved,” simula nila.

Photo courtesy: OVP (FB)

Photo courtesy: OVP (FB)

National

Anti-political dynasty bill, mas magandang hindi dapat madaliin—Palasyo

“[L]imang Certificates of Recognition ang iginawad sa OVP para sa mga inisyatibong nagtaguyod ng paperless processes at nakatulong sa pagtipid ng mahigit 3.2 milyong piraso ng papel,” paliwanag pa nila.

Anang OVP, natanggap nila ang mga sertipiko ng pagkilala mula sa kanilang Social Services Program Information System (SSPIS), OVP Libreng Sakay Program, optimization ng digital platforms para ma-review ang Summary of Agreements, Resolutions, and presentations sa iba’t iba nilang komite, pagsulong ng Digital Issuances Management, at implementasyon ng Digital Help Desks.

Paliwanag ng OVP, sumusuporta ang mga hakbang na ito sa mas malawak nilang layunin na isulong ang responsable at makakalikasang paggamit ng likas ng yaman bansa.

“Ang mga hakbang na ito ay sumusuporta sa mas malawak na layunin ng pamahalaan na isulong ang makakalikasang pamamaraan at ang responsableng paggamit ng mga yaman ng bayan,” pagtatapos pa nila.

MAKI-BALITA: Kalusugan Food Truck ng OVP, naghatid ng pagkain sa mga nasalanta ng Uwan sa Tondo

MAKI-BALITA: OVP, namahagi ng bigas para sa naapektuhan ng bagyong Tino sa Negros Island

Mc Vincent Mirabuna/Balita