Napag-usapang muli ang posibleng pagtakbo ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang senador.
Ito ay matapos umanong ianunsiyo na magiging bahagi si Dingdong ng dokumentaryong tatalakay sa ghost projects ng gobyerno na pinamagatang “Broken Roads, Broken Promises.”
Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Nobyembre 11, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na iboboto raw niya si Dingdong sakaling kumandidato ang huli.
“Alam mo, kung tatakbo si Dingdong bilang senador iboboto ko ‘yan,” saad ni Ogie.
Sabi ni naman ng co-host niyang si Mama Loi, “Ako rin.”
Ngunit kung ang mga tulad ni dating Eat Bulaga host Anjo Yllana raw ang kakandidato, pag-iisipan daw muna ng showbiz insider.
Aniya, “Maganda naman ‘yong programa ni Anjo pero naloloka lang ako lately sa kaniya.”
Matatandaang bago pa man ang filing ng certificate of candidacy (COC) noong 2024 ay kasama ang pangalan ni Dingdong sa ilang lumutang na kakandidato umano para sa 2025 midterm elections.
MAKI-BALITA: Pagtakbo ni Dingdong Dantes bilang senador, matutuloy nga ba?