January 25, 2026

Home BALITA

Opisyal ng DPWH, kinitil sariling buhay dahil umano sa isyu ng flood control projects?

Opisyal ng DPWH, kinitil sariling buhay dahil umano sa isyu ng flood control projects?

Trigger Warning: Isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kinitil umano ang sariling buhay bunsod ng isyu ng maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Facebook post ng Batas PH nitong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025, iginiit nitong nagsagawa ng “pagbibigti” umano ang nasabing opisyal.

Napag-alaman ding na opisyal mula sa Sorsogon 1st District Engineering Office ang biktima na umano’y na-pressure na raw bunsod ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa naturang maanomalyang proyekto.

Sinasabing ang biktima ay dating chairman ng Bids and Awards Committee mula sa nasabing Engineering Office.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang opisyal na pahayag ang DPWH Regional V hinggil sa nasabing kinahinatnan ng kanilang opisyal. Bukas ang Balita sa kanilang panig.