Sa wakas, umamin na ang aktres na si AJ Raval na may anak na sila ng karelasyong si Aljur Abrenica, sa naging guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, Nobyembre 12.
Diretsahang tanong ni Boy Abunda, ay kung totoo bang may anak na sila ni Aljur.
Emosyunal na sagot ni AJ, "Actually Tito Boy, lima na po. I have 5 kids."
Nang ipaliwanag, sinabi ni AJ na may nauna na siyang dalawang anak sa dating karelasyong hindi pinangalanan.
Kay Aljur naman, may tatlo na siyang anak na sina Aikina na panganay nila, sumunod ay si Junior, at ang bunso naman ay si Abraham.
Matatandaang nauna nang nabuking ang tungkol dito dahil sa tatay ni AJ na si Jeric Raval, matapos "madulas" sa pagkakaroon ng apo kina AJ at Aljur.
KAUGNAY NA BALITA: 'Nasabi ko na eh!' Jeric aminadong 'nadulas' na may anak na sina AJ at Aljur
Nang matanong naman tungkol dito si Aljur, sinabi niyang hindi pa siya handang pag-usapan ang tungkol sa mga anak nila ni AJ.
KAUGNAY NA BALITA: Kahit binuking na ni Jeric: Aljur, 'di pa comfy pag-usapan tungkol sa mga anak kay AJ
Matatandaang kamakailan lamang, napag-usapan na ang "soft launch" ni AJ sa isa sa mga anak nila ni Aljur, nang tila isama niya ito sa photoshoot ng kaniyang Darna peg para sa Halloween.
KAUGNAY NA BALITA: AJ Raval, may pa-soft launch sa junakis nila ni Aljur Abrenica?
Hindi naman sinagot nina AJ at Aljur kung ang batang nakatalikod na flinex ng una ay anak nila.
Matatandaang todo-tanggi noon si AJ sa mga espekulasyong buntis siya, matapos ang pagchika rito ni showbiz insider Cristy Fermin.