December 14, 2025

Home SHOWBIZ

‘Nawili ako sa high heels!’ Pagkalalaki ni Gardo Versoza, pinagdudahan ng misis

‘Nawili ako sa high heels!’ Pagkalalaki ni Gardo Versoza, pinagdudahan ng misis
Photo Courtesy: Gardo Versoza (IG), GMA Network

Inamin ng batikang aktor na si Gardo Versoza na minsan na raw pinagdudahan ng misis niya ang kaniyang pagkalalaki dahil sa pagganap niya bilang beki.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, Nobyembre 12, sinabi ni Gardo na nadibdiban na raw siya ng kaniyang misis.

“Nagduda no’ng nawili ako sa mga high heels saka sa mga shorts. Nadibdiban na niya ako minsan. Kasi, parang may nadala yata akong karakter. Naiuwi ko sa bahay,” lahad ni Gardo.

 Dagdag pa niya, “So, pababa kami ng hagdan, tapos, dumulas ako, ‘Ahhhh!!!’ Gumanun ako. Nadibdiban ako bigla. Sabi ko, nadala ko lang. ‘Hindi naman ano.’ Sabi niya, ‘Ayusin mo iyan bago pa tayo maghiwalay, ha!’”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Ayon sa batikang aktor, may mga pagkakataon daw kasi talagang nadadala niya sa bahay ang ginagampanang roles.

“Sabi ko kasi, may mga times na kahit naman sa kontrabida, e, di ba? Minsan, hindi mo pa mapapagpag, naiuuwi mo pa — mainitin ang ulo mo,” dugtong pa ni Gardo.

Sa kabila nito, going strong pa rin ang relasyon ni Gardo at ng misis niyang si i Ivy Vicencio. Matatandaang ikinasal sila noong Mayo 219 sa Clark, Pampanga.

Pero bago pa man ito, pinatatag na ng panahon ang relasyon nila ni Ivy dahil mahigit isang dekada na silang nagsasama.