December 12, 2025

Home BALITA National

'Di Nagamit?' PBBM, kinumpiska natenggang heavy equipments ng DPWH noon pang 2018

'Di Nagamit?' PBBM, kinumpiska natenggang heavy equipments ng DPWH noon pang 2018
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang pagkumpiska sa heavy equipments ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mula pa umano sa World Bank na natengga lang mula pa noong 2018 para gamitin sa Kontra Baha Program. 

Ayon sa naging pahayag ni PBBM sa Parañaque City nitong Miyerkules, Nobyembre 12, sinabi niyang medyo bago-bago pa ang mga nasabing heavy equipments na hindi nagamit ng DPWH para raw gamitin sana sa “The Big One.” 

“We have discovered that, kung makita ninyo, ‘yong mga equipment na ito [ay] medyo bago-bago pa. Nandiyan ‘yan since when? 2018,” pagsisimula niya. 

“Seven years ago, naka-ano lang nakatenga lang doon sa warehouse nila, ng DPWH, at never nagamit dahil kailangan daw itago for the ‘Big One,” dagdag pa niya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Giit ng Pangulo, hindi na raw nila kailangang hintayin ang “Big One” dahil maituturing nang mapaminsala ang mga nagdaang pagbaha ngayon sa bansa. 

“Pero ito na yata ‘yung 'Big One' when it comes to flooding ano pa ang inaantay natin? Kaya nailabas na natin lahat. Gagamitin natin lahat ‘yan,” ani Marcos. 

Pagpapatuloy ni PBBM, gagamitin na lang umano nila ito para sa programa nilang “Greater Metro Manila Waterways Clearing and Cleaning Operations” na isa sa mga solusyon nila sa labis na mga pagbaha. 

“Plus mayroong augmentation from the private sector, marami naman silang equipment and of course with the approval and cooperation of our LGUs,” ‘ika niya. 

“Hopefully we just keep doing this. This is not an instant solution, kung tutuusin natin, sa pag-aaral ng ating mga eksperto, ang flooding problem [ay] hindi maaayos dahil may ginawa tayong isang bagay.”

“We will have to do many things. We have to do[...] we have to do the changes in the location of the public station, in the long term, we have to go upstream and look at the watersheds[...]” paliwanag pa ng Pangulo. 

Hindi rin daw masisigurado na pangmatagalang solusyon ang sinimulan nilang hakbang ngunit ang mahalaga raw ay sinimulan na nila ito ngayon. 

“This is a long term solution and it is something that has been proposed for a long time but somehow has never been implemented and we are doing it right now,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: ‘The Big One,’ posibleng kumitil ng 50,000 indibidwal – OCD

MAKI-BALITA: Mga prediksyon nina Rudy Baldwin at Jay Costura para sa 2025: Ano ang naghihintay sa hinaharap?

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita