Magbibigay ang China ng $2.4-M pondo at emergency supplies bilang tulong sa Pilipinas na magkasunod na sinalanta ng bagyo.
Matatandaang matapos tumama ang bagyong Tino sa malaking bahagi ng Visayas sunod namang pumasok sa Pilipinas ang super typhoon Uwan.
Maki-Balita: Super typhoon, posibleng pumasok sa Sabado; Hilagang Luzon, tutumbukin?
Sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian noong Martes, Nobyembre 11, sinabi niyang nakatakda umano silang tumulong sa ngalan ng espiritu ng pakikipagkapuwa at pakikipagkaibigan.
Aniya, “In the spirit of humanity and friendship with the Philippine people, China has provided assistance in cash and emergency supplies to the Philippines, and some Chinese provinces are also extending a helping hand through channels between sister provinces.”
“We wish those affected will recover from the disaster and rebuild their homes at an early date,” dugtong pa ni Lin Jian.
Ito ay sa kabila ng territorial dispute sa likas na yaman sa South China Sea ng dalawang bansa.