December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kylie sa 'anak issue' nina AJ at Aljur: 'Matagal ko na alam, happy that now di na kailangan magtago!'

Kylie sa 'anak issue' nina AJ at Aljur: 'Matagal ko na alam, happy that now di na kailangan magtago!'
Photo courtesy: Screenshot from Japeth Mua (TikTok)/AJ Raval (IG)

Naglabas na agad ng reaksiyon at komento ang Kapuso actress na si Kylie Padilla hinggil sa isyu ng pagkakaroon ng tatlong anak ng estranged husband na si Aljur Abrenica sa kasalukuyang karelasyong si AJ Raval.

Inamin na kasi ni AJ sa Wednesday episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" na may anak na sila ni Aljur, at hindi lamang dalawa kundi tatlo na.

Bukod dito, inamin din ni AJ na bukod sa tatlong anak nila ni Aljur, may nauna na siyang dalawa sa dating karelasyong hindi na niya tinukoy kung sino.

KAUGNAY NA BALITA: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Kaya naman, marami ang umintriga kay Kylie kung alam daw ba niya ang tungkol dito. Bagay na sinagot naman agad ni Kylie sa pamamagitan ng Facebook post niya nitong Miyerkules din.

Aniya, matagal na raw niyang alam ang tungkol dito subalit mas pinili niyang manahimik para sa kapakanan ng mga bagets.

Proud daw siya sa dalawa dahil finally, hindi raw kailangan pang magtago.

Sagot ni Kylie, "Ito lng po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata."

"Sobrang close sila at yun pinaka importante. Happy that now di na kailangan mag tago. Proud of you peace all around. Sana matapos na drama."

Matatandaang noong Hulyo 2021, nagulantang ang showbiz nang maghiwalay ang dalawa, at pagkatapos ay pumasok naman sa eksena si AJ nang maispatan sila ni Aljur na naglalakad sa isang mall habang maghawak ng kamay.

Nilinaw naman ni Kylie na walang kinalaman si AJ sa nasirang relasyon nila ni Aljur, matapos batikusin ng mga netizen ang Vivamax star at akusahang "kabit" at "third party."

Makailang beses ding itinanggi ni AJ ang mga tsikang pinakawalan ng showbiz insider na si Cristy Fermin na nagbuntis at nanganak siya sa anak nila ni Aljur.

Nitong 2025, "nadulas" sa isang panayam ang tatay ni AJ na si action star Jeric Raval at nasabi niyang may dalawa na siyang apo kina AJ at Aljur.

Nang tanungin naman si Aljur tungkol dito nang makuyog ng media, sinabi niyang hindi siya galit kay Jeric, pero hindi pa siya komportableng pag-usapan ang tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!