December 11, 2025

Home FEATURES Balitang Pag-Ibig

'Hard launch malala!' Tricia Robredo engaged na pala, sino ba ang fiancé niya?

'Hard launch malala!' Tricia Robredo engaged na pala, sino ba ang fiancé niya?
Photo Courtesy: Tricia Robredo (IG)

Marami ang nagulantang at natuwa nang isapubliko ni Dra. Tricia Robredo, ikalawang anak ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo, ang engagement nila ng kaniyang boyfriend, na ngayon ay fiance na niya.

Sa latest Instagram post ni Tricia nitong Miyerkules, Nobyembre 12, kinumpirma niyang isang taon na siyang engaged. 

Aniya, nag-propose sa kaniya ang jowa niya sa Cambridge, Massachusetts.

“My morning run was cut short a year ago today. Unli miles were promised to make up for it. ” saad sa caption.

Balitang Pag-Ibig

True ba? 'New fear unlocked: Sleep lang ako love inaantok na me!'

Dahil sa balitang ito, nagpaabot ng pagbati ang mga celebrity para kay Tricia kabilang sina Melai Cantiveros, Marjorie Barretto, Cherry Pie Picache, Noel Ferrer, at marami pang iba.

Pero sino nga ba ang lalaking nakabihag sa puso ng doktora?

Sa kasalukuyan, hindi pa pinapangalanan ni Tricia ang maswerteng lalaki. Pero hindi ito ang unang beses na flinex niya ang huli. 

Sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 25, nagbahagi siya ng serye ng mga larawan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaniyang 31st birthday.

“Throwback to thirty, flirty & barely thriving On to tha next!” saad sa caption.

Napukaw ang atensyon ng mga netizen nang sa kalagitnaan ng pagsu-swipe nila ng pictures, bumulaga ang isang larawan ni Tricia kasama ang isang lalaki.

Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksiyon. Narito ang ilan sa mga komento:

"like huh? what? omg?? docc"

"SAKIT NG SLIDE 13, PERO CONGRATS "

"Bounce na ang mga bakla. Anyways, mahal ka namin Doc! Happy birthday"

"Uwian na mga bakla, naghardlaunch na si madam"

"slide 13! ginaya ko pa pwesto mo @jpgrobredo to make sure na sa kaliwa ang ! and confirmed! ayieee! congrats dra! "

"soaf(er) launch"

"waaah ang daming na ah hahaha Doc Triciaaaa congrats, labyu pa din "

"Mhmmmmm syempre dapat may detalye sa pic 13 haha"

 Samantala, tila panatag naman ang loob ng ina ni Tricia sa pinili nitong “Mr. Right.”

Matatandaang sa isang panayam noong September 2021 ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila, sinabi ni Leni na kumpiyansa siyang hindi magse-settle for less ang mga anak niyang dalaga.

“Nakita nila ‘yong papa nila, nakita nila kung ano ‘yong pagkatao, nakita nila kung paano ako i-treat,” saad ni Leni.

Dagdag pa niya, “So ako, very confident ako na hindi sila magse-settle for somebody; na iti-treat sila the same way na tinreat ako ni Jess.”