December 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Balik-eskwela: Suspensyon ng klase sa Cebu, tinanggal na!

Balik-eskwela: Suspensyon ng klase sa Cebu, tinanggal na!
Photo courtesy: via AP News

Itinaas na ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas matapos ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Batay sa Executive Order No. 72, Series of 2025, inatasan ni Governor Pamela Baricuatro ang opisyal na pagpapatuloy ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa lalawigan.

“Gov. Baricuatro explained that the move was based on the advisory of DepEd Cebu Province and the assessment of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, together with PAGASA and local disaster councils,” anang Cebu Province sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025.

Ayon sa DepEd, mahalagang agad maipagpatuloy ang klase upang “maiwasan ang patuloy na pagkaantala ng academic calendar at matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto, lalo na matapos ang ilang araw ng suspensyon.”

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

“Gov. Baricuatro further reminded local chief executives that class suspensions may still be declared at their discretion, depending on localized on-ground conditions, in coordination with their respective Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs),” saad ng FB page. 

Matatandaang isa ang Cebu sa mga pinadapa ng bagyong Tino kung saan mahigit 100 katao ang nasawi mula sa kanilang probinsya.

Bunsod nito, nauna na ring ipinanawagan ni Gov. Baricuatro ang hustisya para sa sinapit ng kanilang lalawigan.

"We will discuss with President Marcos regarding the ₱26 billion flood control funds. It’s not enough that Cebuanos are resilient -- justice must also be pursued," anang gobernadora sa panayam sa media noong Nobyembre 5. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Justice must also be pursued!' Hustisya, panawagan ni Cebu Gov. Baricuatro sa sinapit ng kanilang lalawigan