Naitala ng Philippine peso ang bago nitong “record low,” matapos lumagpak ang halaga nito sa ₱59.170 kontra dolyar.
Sa inilabas na ulat ng Bankers Association of the Philippines (BAP) nitong Miyerkules, Nobyembre 12, makikitang mas bumaba ang halaga nito kumpara noong Martes, Nobyembre 11, na pumalo sa ₱58.985.
Photo courtesy: Bankers Association of the Philippines (BAP)/Website
Sa usapin naman ng Philippine Stock Exchange index (PSEi), bahagya itong umakyat sa 5,714.02 o 1.51% ngayong araw, matapos maitala ang paglagpak ng record nito sa loob ng limang taon.
KAUGNAY NA BALITA: PSEi, lagpak ng 5 taon—mas mababa kaysa sa tala noong pandemya!-Balita
Samantala, ang All Shares index naman ay may bahagya ring pagtaas, na umaabot ngayon sa 3,498.87 o 0.96%.
Matatandaang noong Oktubre 28, naitala rin ng Philippine peso ang record low nito, matapos bumulusok sa ₱59.130 exchange rate kontra dolyar.
Vincent Gutierrez/BALITA