December 16, 2025

Home BALITA Probinsya

80-anyos na babae, patay matapos tamaan ng rim ng gulong sa isang delivery truck

80-anyos na babae, patay matapos tamaan ng rim ng gulong sa isang delivery truck
Photo courtesy: Contributed photo

Nasawi ang isang 80-anyos na babae matapos tamaan ng tumalsik na rim lock ng gulong ng isang delivery truck sa bayan ng Dingle, Iloilo noong Nobyembre 11, 2025. 

Ayon sa ulat ng Dingle Municipal Police Station, nakaupo lamang ang biktima sa isang waiting shed nang dumaan ang truck na may kargang mga manok. Bigla umanong natanggal ang rim lock sa kaliwang likurang gulong ng sasakyan at tumama sa matanda.

Ayon kay Chief Master Sergeant Emmanuel Doromas, imbestigador ng Dingle MPS, nagkaaberya sa bahagi ng gulong ang naging sanhi ng aksidente.

Nasa lugar si Sergeant Michael Asong nang mangyari ang insidente at agad na tinulungan ang duguan at nakatumbang biktima, ngunit idineklara rin itong dead on the spot.

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Samantala, nagkaroon na umano ng pag-uusap ang pamilya ng biktima at ang driver ng truck upang hindi na ituloy ang pagsasampa ng kaso.