May 21, 2026

Home BALITA

PH looper, nakatikim ng persona non grata sa Negros Oriental

PH looper, nakatikim ng persona non grata sa Negros Oriental
Photo courtesy: Ferdinand Dela Merced (FB), Negros Oriental (FB)

Pinatawanan ng persona non grata ang isang kilalang Philippine Looper sa buong probinsya ng Negros Oriental matapos umano nitong magpahayag sa lokal na pamahalaan ng Dumaguete City sa gitna ng paghahanda nila sa bagyong Tino.

“‘Yong bagyo, may bagyo naman talaga tayo, e. Wala namang problema sa bagyo natin kasi ‘yong bagyo, taon-taon naman talaga[...] Ang hirap bang intindihin na magpapa-tap lang ako?” saad ni Ferdinand Dela Merced o mas kilala bilang Philippine Looper sa kaniyang post noong Nobyembre 5, 2025.

Ayon naman sa naging pagpupulong ng Board members ng Negros Oriental noong Lunes, Nobyembre 10, inihain ni 2nd District Board Member Erwin Michael L. Macias ang resolusyon patungkol sa pagpapataw ng persona non grata kay Merced.

“It has reached a point where his action has already affected the image of not only the province but the people of Negros Oriental,” pagsisimula ni Macias.

“With that, your Honor, being laid down as basis, I would like to file a resolution declaring Mr. Ferdinand Dela Merced as persona non grata in the province of Negros Oriental,” pagdidiin pa niya.

'Sino ba 'to?' Sen. Robin, may makahulugang post tungkol sa 'Tarat'

Pagkukuwento ni Macias, nakarating si Merced sa Dumaguete City noong Nobyembre 1, 2025, at nabigyan ng matutuluyan mula sa provincial government ng Negros Oriental.

“Mister Ferdinand Dela Merced also known as Philippine Looper arrived in Dumaguate City in the Province of Negros Oriental on November 1, 2025, and was provided with accommodation by the provincial government,” aniya.

Ngunit sa kabila nito, nagawa umanong maglabas ng pahayag ni Merced sa kaniyang social media account noong Nobyembre 3, 2025 na “ni-neglect” daw siya ng awtoridad ng nasabing siyudad.

“Whereas despite the hospitality extended, Mr. Dela Merced posted statements on social media alleging neglect by the provincial authorities and the provincial tourism office on November 3, 2025,” pagbabahagi niya.

“Without acknowledging that during this period, officials and staff of Negros Orriental were fully engaged in urgent disaster response and preparation efforts due to imminent threat and landfal of typhoon Tino[...]”

“Whereas MR. Dela Merced further published remarks describing typhoon risk as routine,” paglilinaw pa ni Macias.

Matapos nito, hindi nagkaroon ng pagtanggi sa mga board member ng nasabing probinsya at pinagtibay ni Negros Oriental Vice Governor Cezanne Fritz Diaz ang persona non grata kay Merced.

Samantala, naglabas na rin ng pahayag si Merced kaugnay sa pinataw na perso non grata sa kaniya.

Ayon sa naging pahayag ni Merced sa kaniyang Facebook noon ding Lunes, sinabi niyang wala raw siyang pag-aalala sa naging aksyon ng nasabing probinsya patungkol sa kaniya.

“No worries kesa naman tumagal ako sa lugar n’ya na sabihan ako ng [heto] na ang Philippine Blooper na PALAMUNIN NG BANSA. Diba Gilbert Dizon! At sa Tourism natin na nag high pitch…na Officer!” ani Merced.

Bukod dito, nilinaw rin ni Merced sa parehong post niya noong Nobyembre 5, 2025, na ang nais lang daw niya sa lokal na pamahalaan ng Dumaguete ay makakuha ng certification of appearance at photo opportunity sa mga opisyal ng nasabing lugar.

Mc Vincent Mirabuna/Balita