Bilang pakikiramay sa mga pinsalang iniwan ng bagyong Uwan, ibibigay ni Filipino singer-songwriter Dionela ang lahat ng kikitain ng kaniyang ‘first major concert’ sa mga nabiktima ng bagyo.
Sa social media post ni Dionela noong Lunes, Nobyembre 10, lubos niyang ipinagpasalamat sa kaniyang fans ang nalalapit na pagka-sold out ng kaniyang “The Grace Tour” concert sa darating na Nobyembre 21 at 22.
“My first major concert is happening on November 21 and 22, and I’m beyond grateful that tickets are almost sold out with just a few seats,” aniya.
Dito ay inanunsyo ng Singer-Songwriter na magiging donasyon niya sa mga napinsala ng bagyong Uwan ang lahat ng kikitain ng kaniyang concert.
“Today, I made a decision that God impressed upon my heart [that] I’ll be donating everything I earn from this concert to help the victims of the recent concert,” saad ni Dionela.
Si Timothy Dionela ay isang Filipino R&B singer-songwriter na nakilala sa mga kanta niyang “Marilag,” “Sining,” at “Musika.
Nakilala rin si Dionela bilang isang “self-confessed romantic,” na humugot ng inspirasyon mula sa mga sarili niyang karanasan, at sa kaniyang relasyon sa kaniyang nobya.
Sean Antonio/BALITA