May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

'Kasama niyo kami sa pagbangon:' Higit 900 paaralan, napinsala ni Uwan; DepEd, tiniyak agarang pagsasaayos

'Kasama niyo kami sa pagbangon:' Higit 900 paaralan, napinsala ni Uwan; DepEd, tiniyak agarang pagsasaayos
Photo courtesy: Sonny Angara (FB)

Pumalo na sa 903 mga pampublikong paaralan ang nagtamo ng pinsala dahil sa pananalasa ng bagyong Uwan, ayon sa situational report ng Department of Education (DepEd) Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS). 

Ayon pa sa 5:00 PM situational report ng DepEd DRRMS noong Lunes, Nobyembre 10, nasa 3,236 na mga classroom na ang nagtamo ng bahagyang pinsala; 1,057 ang most damaged; at 597 ang totally damaged. 

Sa mga talang ito, ang mga rehiyon ng Bicol, CALABARZON, Cagayan Valley, at CAR (Cordillera Administrative Region) ang nakapagtala ng may mataas na bilang ng mga nasirang silid-aralan. 

1,047 paaralan naman sa 12 rehiyon ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation center para sa mga pamilyang lumikas mula sa hagupit ni Uwan. 

Bilang tugon, nakapaglaan ng ₱45.04 milyon na pondo para sa clean-up at clearing operation (CUCO) ang DepEd, at ₱158.6 milyon naman para sa minor repairs. 

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Photo courtesy: DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (FB)

Ipinahayag naman ni DepEd Sec. Sonny Angara ang kaniya pakikiramay sa mga nasalanta at tiniyak na kasama ng mga ito ang ahensya sa muling pagbagon mula sa trahedya. 

“Nakikiramay tayo sa ating mga kababayan at tinitiyak namin sa DepEd na kasama ninyo kami sa bawat hakbang ng pagbangon at muling pagbuo ng pag-asa sa bawat silid-aralan,” pagtitiyak ni Angara. 

Binanggit din ng Kalihim na inuuna na ng DepEd ang implementasyon ng Alternative Delivery Modes (ADMs) sa mga paaralang sarado dahil sa mga nagdaang bagyo at iba pang kalamidad. 

Sean Antonio/BALITA