Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 2025 Noche Buena Price Guide na makatutulong sa publiko upang maiplano ang kanilang paghahanda para sa darating na Pasko.
Sa ibinahaging Facebook post ng DTI Customer Care nitong Martes, Nobyembre 11, makikita ang ilan sa mga pangkaraniwang Noche Buena items, kalakip ang presyo ng bawat produkto.
Photo courtesy: DTI Customer Care/FB
Kaugnay nito, mababasa rin sa naturang post ang gabay ng ahensya hinggil sa presyo ng ilang christmas decorations tulad ng Christmas Tree at Star. Anila, mas mababa ang presyo ng Christmas Tree ngayong taon kumpara noong 2024, samantalang hindi naman gumalaw ang presyo ng Star kumpara sa nagdaang taon.
Ayon pa sa DTI, maaari na ring gamitin ng publiko ang QR code na nakalakip sa nasabing post, upang magkaroon sila ng ideya patungkol sa latest promos at discount offers sa mga nasabing items.
Photo courtesy: DTI Customer Care/FB
Nirekomenda rin nilang bisitahin ng publiko ang kanilang website upang makita ang kabuuang Price Guide para sa taong 2025.
Vincent Gutierrez/BALITA