May 22, 2026

Home BALITA

Biktima rin sila ng palpak na flood control! Sen. Imee umapela ng tigil-singil sa mga apektado ng bagyo

Biktima rin sila ng palpak na flood control! Sen. Imee umapela ng tigil-singil sa mga apektado ng bagyo
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB), via MB

Nanawagan si Senador Imee Marcos sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para pansamantalang ihinto ang paniningil ng utang sa mga Pilipinong empleyado na naapektuhan ng sunod-sunod na kalamidad.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Martes, Nobyembre 11, isang buwan o higit pa ang nirerekomenda niyang palugit para sa mga empleyadong may loan.

"Hindi lang mga emplyeado ng gobyerno ang nasalanta, kailangan tulungan din natin ang lahat ng manggagawa at maliliit na negosyante dahil sa oras ng sakuna sila ang unang nawawalan ng kita,” saad ng senadora.

Dagdag pa niya, “Hindi lang sila biktima ng bagyo, biktima rin sila ng palpak na flood control project ng gobyerno. Kaya ngayon man lang, huwag natin silang biguin at tulungan silang makabangon.”

Ayon sa kaniya, nauna nang nag-abiso ang Government Service Insurance System (GSIS) ng tatlong buwang loan moratorium para sa emergency loan ng mga miyembro nito at mga may pension na nasalanta ng dalawang magkasunod na bagyo.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Matatandaang matapos tumama ang bagyong Tino sa malaking bahagi ng Visayas sunod namang pumasok sa Pilipinas ang super typhoon Uwan.

Maki-Balita: Super typhoon, posibleng pumasok sa Sabado; Hilagang Luzon, tutumbukin?