January 09, 2026

Home BALITA

Benjamin Magalong, rumesbak sa paratang ni Mon Tulfo

Benjamin Magalong, rumesbak sa paratang ni Mon Tulfo
Photo Courtesy: Benjamin Magalong, Mon Tulfo (FB)

Mariing pinabulaanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang akusasyon ng mamamahayag na si Mon Tulfo kaugnay sa pagkakasangkot umano niya sa destabilization efforts laban sa gobyerno.

Sa latest Facebook post ni Magalong noong Lunes, Nobyembre 10, tiniyak ni Magalong na nakalaan ang katapatan niya sa sambayanang Pilipino at Republika ng Pilipinas.

“Ang nagpapahina sa bansa ay hindi ang mga nananawagan ng pananagutan, kundi ang nagpapakalat ng kasinungalingan at walang basehang paratang sa ngalan ng pamamahayag,” saad ni Magalong.

Dagdag pa ng alkalde, “Mananatili akong tapat sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan, makataong pamumuno, at mabuting pamahalaan para sa isang bansang matatag sa integridad, pagkakaisa, at katatagang may dangal at prinsipyo.”

Ina ni Jerlyn Doydora, pinapanagot si Renee Co sa pagkasawi ng anak sa Mindoro: ‘Walang hiya ka’

Matatandaang bukod kay Magalong, narito ang iba pang kabilang sa listahang inilabas ni Tulfo na nagbabalak umano ng destabilisasyon: Romeo Poquiz, Orly De Leon,  Johnny Macanas, Gerald Bantag,  Col Lachica, Col Leonardo, Col Metran, Capt Dado Enriquez, Ferdinand Topacio, Vic Rodriguez, Mike Defensor, Chavit Singson, Rodante Marcoleta, Orlando Olamit, at Alias Monk.

Posible umanong sina Vice President Sara Duterte, Cong. Pulong Duterte, at dating gobernador Chavit Singson ang financer sa likod nito.