May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bela Padilla binanatan Pangasinan solon, sapul kay Slater Young!

Bela Padilla binanatan Pangasinan solon, sapul kay Slater Young!
Photo courtesy: Mark Cojuangco (X)/via MB

Usap-usapan ang naging reaksiyon ni Kapamilya actress Bela Padilla sa isang kontrobersyal na X post ni Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco tungkol sa mga Pilipinong nasalanta ng malalang pagbaha, dulot naman ng pananalasa ng bagyong Tino kamakailan.

Isang netizen kasi ang nagbahagi ng video compilation ng mga residente sa Cebu at kalapit na lugar na naapektuhan ng bagyong Tino noong Nobyembre 4.

Makikitang maraming tao ang nasa bubong ng kanilang bahay, umiiyak at humihingi ng tulong. Mababasa sa caption, "PANGARAP KO LANG TALAGA IS MAMATAY NA LAHAT NG CORRUPT SA PILIPINAS!"

Hanggang sa kasalukuyan kasi, mainit na pinag-uusapan ang korapsyon at anomalya sa flood control projects, na hanggang ngayon, wala pa ring nananagot.

Nag-react naman dito ang solon at tila nasisi pa ang mga kung sinuman ang nasa likod ng pagtatayo ng residential area sa nabanggit na lugar.

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez

As is published, "Bakit kasi sa flood plain gumawa ng tirahan? Takaw sakuna."

"Di mo ba napansin na yung diversion channel ay mas mataas kaysa yung lupa ng tirahan nila? Bakit doon? Ito na yung consequence ng choice na yun," dagdag pa.

Bagay na pinalagan naman ng maraming netizen, kabilang na ang aktres, direktor, at writer.

"Respectfully, you don’t start giving swimming lessons to a drowning man, sir. You save him first. Why didn’t the LGUs stop them from building there in the first place?" aniya.

Bukod dito, nabanggit din ni Bela si Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner at engineer na si Slater Young.

Si Slater ang engineer sa likod ng Monterrazas de Cebu project na kamakailan lamang ay nakatatanggap ng kritisismo dahil sa malalang pagbaha sa Cebu, na sinisisi naman ng mga netizen dahil dito.

KAUGNAY NA BALITA: 'Kasalanan ng project?' Slater Young pinanggigilan, sinisi sa pagbaha sa Cebu

"Common folk don’t know where they can or can’t build. I mean—look at Slater Young," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Bela Padilla/X

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na reaksyon mula kay Cojuangco at Young tungkol sa mga pahayag ni Padilla.