'HEAVEN GAINED FIVE BEAUTIFUL SOULS'
Tila kabilang ang limang grade school students sa 150 na namatay sa Cebu dahil sa hagupit ng Bagyong "Tino" kamakailan.
Sa isang social media post ng Mulao Elementary School sa Compostela, Cebu, nitong Lunes, Nobyembre 10, inalala nila ang limang estudyanteng nasawi dahil sa baha dulot ng bagyo.
"Words can hardly express the sorrow we feel as our school family faces this heartbreaking loss. The sudden passing of our dear pupils — Jherem Angelo Maglangit (Grade 5), James Maglangit (Grade 4), Jayde Maglangit (Kinder), Charelyn Rose Elom (Grade 2), and Khent Xyrus Daque (Kinder) — has left an emptiness in our hearts and classrooms," saad ng eskuwelahan.
"These young souls were bright, talented, and full of dreams. Their laughter once echoed through our school grounds, and their light will forever remain in the heart of the Mulao Elementary School community," dagdag pa nila.
Nakiramay din sila sa pamilyang naiwan ng mga nasawi.
Samantala, sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Nobyembre 11, umabot na sa 232 ang namatay sa hagupit ng bagyo sa Visayas at Mindanao, habang 112 pa ang nawawala, at 523 naman ang sugatan.
Sa Cebu, nakapagtala ang NDRRMC ng 150 na namatay at 451 na sugatan.
Ayon pa sa NDRRMC, nasa 4.16 milyong Pilipino sa walong rehiyon ang naapektuhan ng bagyong Tino at nakapinsala ng 155,000 na bahay.
Nagdulot ito ng tinatayang P337.6 milyon na pinsala sa pinagsamang agrikultura at imprastraktura.