December 12, 2025

Home BALITA

Sen. Robin, naaktuhan nakasemplang na sasakyan sa Gumaca, Quezon

Sen. Robin, naaktuhan nakasemplang na sasakyan sa Gumaca, Quezon
Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Agad na nanawagan si Sen. Robin Padilla sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa awtoridad matapos niyang makita ang isang sasakyang nakabalandra sa kalsada sa Gumaca, Quezon. 

Ayon sa inupload na video ni Padilla sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Nobyembre 10, mapapanood ang paglampas nila sa isang puting mini-truck na nakasemplang sa bayan ng Gumaca sa probinsya ng Quezon. 

“Panawagan sa DPWH at sa Lokal na Pamahalaan ng GUMACA QUEZON,” mababasa sa caption ni Padilla. 

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Bato, masayang nakita ang apo

“Pakiayos na po ito kaagad at napakadelikado po nito at nasa GITNA po ng highway baka po may madali pa po ibang motorista,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala pa naman inilalabas na pahayag ang DPWH at lokal na Pamahalaan ng Gumaca kaugnay rito. 

Dahil dito, tila naglabas ng hinaing ang netizens sa naturang sitwasyon ng kalsada sa nasabing lugar. 

Anila, ganoon daw talaga kahirap at kadelikado ang highway sa nasabing probinsya. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao kaugnay sa naturang post ni Padilla:

“Sen. Robin Padilla pasuyo ang national highway from Quezon province to Camarines Sur. Baka po matulungan mo mapa ayos ang kalsada dikada na pong laging lubak or laging sira.” 

“S gumca diversion road n po ata kau senator” 

“Robin Padilla boss idol paki panawagan din po ang daan jan sa quezon napaka grabeng mga lubak at sana po maglagay din po sana ng mga ilaw sa old zigzag road para mas safe po daanan salamat po” 

“Paki call out nadin po senator Robin Padilla ang kakalsadahan dyan sa quezon pwd na mag alaga ng hito sa lalim ng lubak.” 

“Nakupo andami ping kakarsadahan na may manhole na naka lubog na dahil sa apalto,mga kakarsadahan na iniwang naka tiwangwang na nagiging sanhi ng aksidente,lalo na sa mga na naka motor.” 

“Idol dapat tinigilan nio muna tinulongan ninyo kahit papano kawawa naman.” 

“Senator yan kahabaan po ng kalsada ng mula sariaya quezon hanggang boundary po ng labo camarines norte butas butas po ang kalsada d manlng maispalto at sobrang napakadilikado sa mga motorista lalo ang mga bumabyahe ng gabi” 

MAKI-BALITA: 'Bago n'yo kami ipagkanulo para maipakulong, magbanat muna tayo ng buto!’—Sen. Robin

Mc Vincent Mirabuna/Balita