Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang pagsailalim ng bansa sa isang taong state of national calamity sanhi ng nakaraang pamiminsala ng bagyong Tino.
Ayon sa Proclamation No. 1077 na pinirmahan ng Pangulo noong Nobyembre 5, 2025, at isinapubliko noong Sabado, Nobyembre 8, 2025.
Ipinag-uutos ng panukalang ito ng Pangulo ang mabilisang pagtugon ng lahat ng ahensya at sangay ng Pamahalaan sa mga darating pang unos upang magligtas ng buhay, maibigay ang mga “basic neesds” ng publiko at iba pa.
“All concerned agencies and instrumentalities of the National Government are hereby directed to continuously undertake urgent and critical disaster response to save lives, reduce health impacts, ensure public safety and meet the basic subsistence needs of the people affected[...]” mababasa sa nasabing proklamasyon.
“All departments and other concerned government agencies are also hereby directed to coordinate with, and provide or augment the basic services and facilities of affected local government units, and facilitate private sector and international assistance, as may be necessary, in accordance with laws, rules, and regulations,” dagdag pa roon.
Matatandaang pormal na pinagtibay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Proclamation No. 1077 noong Sabado, Nobyembre 8, 2025.
MAKI-BALITA: NDRRMC, idineklara 'State of National Calamity' sanhi ng bagyong Tino
Tatagal umano ang pagsasailalim ng bansa sa “state of national calamity” ng isang taon mula Nobyembre 7, 2025 o sa panahon na pormal na bawiin ito ng Pangulo.
“The operative provision of Proclamation No. 1077 declaring a state of national calamity due to Typhoon ‘Tino’ shall by necessary implication be interpreted to encompass all natural calamities occurring within one (1) year from November 7, 2025 unless sooner lifted by the President,” mababasa sa dokumentong ng NDRRMC.
Bukod dito, umakyat na rin sa 224 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Tino, habang 109 ang naitalang nawawala, ayon sa tala ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo, Nobyembre 9.
MAKI-BALITA: Mga nasawi dahil sa bagyong Tino, umabot na sa 224; mga nawawala, nasa 109–OCD
Sa talang 224 na mga nasawi, 158 dito ang galing sa Cebu; 27 sa Negros Occidental; 20 sa Negros Oriental; walo sa Caraga; tatlo sa Capiz; dalawa sa Leyte at Southern Leyte; at tig-iisa sa Antique, Iloilo, Guimaras, at Bohol.
Sa tala namang 109 na mga nawawala, 57 dito ang mula sa Cebu; 42 sa Negros Occidental; at 10 mula sa Negros Oriental.
MAKI-BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund
Mc Vincent Mirabuna/Balita