December 13, 2025

Home BALITA

Naga City Mayor Leni Robredo naispatang nagwawalis sa clean-up drive, inulan ng reaksiyon!

Naga City Mayor Leni Robredo naispatang nagwawalis sa clean-up drive, inulan ng reaksiyon!
Photo courtesy: Francesco Raphael General (FB)

Pumukaw sa atensyon ng netizens ang naispatang litrato ni dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo na nagwawalis sa isang cleanup drive na kanilang isinagawa sa Naga City Hall matapos ang bagyong Uwan. 

Ayon sa ibinahaging mga larawan ng MyNaga App, opisyal na reporting at feedback platform ng mamamayan sa Naga, sa kanilang Facebook page nitong Lunes, Nobyembre 10, makikita ang mga Nagueños na naglilinis ng kanilang city hall kasama si Robredo. 

“Patuloy po ang ating clearing operations at cleanup drive isang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong ‘Uwan.’” saad nila sa caption. 

Photo courtesy: MyNaga App (FB)

Photo courtesy: MyNaga App (FB)

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Anila, bukas pa rin ang Naga City Hall para sa mga nagnanais tumulong maglinis sa nasabing lugar. 

Dahil dito, pinuri ng netizens ang naturang kolektibong pagkilos ng Nagueños at ang pakikiisa mismo rito ni Robredo. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post:

“Grabe naman Maaa ” 

“Yan ang mayor ko. Nagwawalis hindi yung papicture lang. Ang sinayang ng bansa” 

“Nasa posisyon man o wala, makikita mo siya lagi na boluntaryong tumutulong. Maraming salamat po, Atty. Leni!” 

“Nakita ko kanina madaming sundalo nagtulong , nag hakot ng basura at nalinis sa mga putik sa downtown , sa may palengke , Kasama PNP, BFP, city hall employee, brgy tanod at iba pa. Pero wla Dito sa pic nila. Sinasadya ata nilang ayaw ipakita Ang mg sundalo, bakit kaya , napansin ko lang.”

“Grabe ka ang dedikasyon mo tabi Maam Leni. How I wish makapunta ako sa Naga to help. God bless tabi sa indo gabos.” 

“An epitome of a greatest beyond all leader.”

“Maagap bilis angat recovery! Good governance & community volunteerism matters”

“Totoong lingkod bayan.” 

“Ang swerte nman ng tga Naga City sa pamumuno ni Leni Robredo ang aking presidente sa 2028.” 

Kaugnay nito ang nauna nang anunsyo ni Robredo sa kaniyang Facebook account noong Linggo, Nobyembre 9, 2025. 

“Saaga tulos, magpoon na kita magrilinig. Inuton ta si mga lugar na mayo ng tubig. Kun siisay po an may mga truck, payloader, backhoe na dai man gamit, baka po puwede mi masubli. Saaga po tabing aga digdi sa City Hall grounds,” saad ni Robredo. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita