Bukod sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, magkakaroon din ng dagdag-singil ang Manila Electric Company Inc. (Meralco) ngayong buwan ng Nobyembre 2025
Sa abiso ng Meralco, magkakaroon ng ₱0.15/kwh ngayong Nobyembre dahil umano sa pagtaas ng transmission charge na ₱0.14/kwh para sa mga residential customer at pagtaas din ng feed-in tariff allowance na ₱0.88/kwh.
Samantala, para sa mga kumukonsumo ng 200 kwh magkakaroon ng ₱30 na dagdag-singil; ₱46 sa 300 kwh; ₱61 naman sa 400 kwh; at ₱76 para sa kumukonsumo ng 500 kwh.
Bukod sa kuryente, nagtaas din ang presyo ang produktong petrolyo, epektibo bukas, Martes, Nobyembre 11.
Maki-Balita: Kahit bumabagyo: Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas!