December 13, 2025

Home BALITA

Kiko Barzaga, 'firing squad' gustong ihatol sa mga sumisira sa kabundukan

Kiko Barzaga, 'firing squad' gustong ihatol sa mga sumisira sa kabundukan
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Naglabas ng bagong suhestiyon si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay sa umano’y dapat na “death penalty” sa mga sangkot sa illegal logging at mining sa mga kabundukan sa bansa. 

Ayon sa isinapublikong pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Nobyembre 10, mababasa sa larawan ng kaniyang post ang mungkahi niyang idaan sa “firing squad” ang pagpaparusa sa mapapatunayang sangkot sa pagkalbo ng mga kabundukan. 

“There must be only one punishment for illegal logging and mining in important national environmental assets like the Sierra Madre Mountain Range, and that is Death Penalty by Firing Squad,” ani Barzaga sa kaniyang post. 

Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)

Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

MAKI-BALITA: Backbone ng Luzon: Paano nagiging 'panangga' ang Sierra Madre kontra bagyo?

Tila sang-ayon naman ang netizens sa suhestiyong death penalty ni Barzaga. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ng congressman:

“Yes po... and for that matter sa lahat po ng bundok Congressman Kiko Barzaga Sir.” 

“Dapat lang po Congressman. Sana isa ito sa maging priority habang hindi pa huli ang lahat.” 

“Basta sa elementary pa ako nasa subject namin Ang illegal mining at illegal logging, at hangang nyayon di parin na solve.” 

“Panahon n may death penalty. Hindi na takot mga pulitiko magnakaw. Reason is mas madalas kaysa hindi, tumatanggap ng lagay ang nag iimbestiga.”

“True, isama Ang mga corrupt politicians and contractor na nagulimbat sa kaban Ng bayan.” 

“Tama Po Cong Barzaga. Dapat Meron punishment wag bigyan Ng permit kawawa na bundok natin kalbo na.” 

“Sa matgal Ng problema Ng bansa Yan nalang talaga Ang solution death penalty.” 

“Include Legal logging also Congressman Kiko Barzaga. Mas nagiging abusado kasi meron silang permit. Lalo PA pag may kickback ang mayor.If your not aware Congressman Kiko Barzaga, 2 pesos per board feet ang kickback ni Mayor.As maraming puno Mas Paldo si Mayor. Then bakit Nila I lilimit.” 

MAKI-BALITA: Sen. Bato, isinusulong death penalty para sa mga plunderer

MAKI-BALITA: 'Dapat patayin sila!' Vice Ganda, isinusulong death penalty sa mga korap

Mc Vincent Mirabuna/Balita