Kahit binabayo ng bagyo ang Pilipinas, muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo simula sa Martes, Nobyembre 11, 2025.
Matatandaang noong nakaraang linggo nang magtaas din ng presyo ang ilang oil companies.
Maki-Balita: Tataas na naman! Pagtaas ng presyo ng petrolyo, asahan sa Nov. 4
Sa anunsyo ng oil companies na Seaoil, Petro Gazz, at Shell Pilipinas ay magkakaroon ng ng ₱0.50 kada litrong pagtaas sa gasolina, habang ₱1 kada litro naman ang pagtaas sa diesel.
Ang kerosene naman ay mananatiling "steady" ngayong linggo dahil sa State of Calamity Proclamation No. 1077.
“[The] increase in the premium for gasoline due to firm regional demand amid tight supply as regional refineries undergo turnarounds,” ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas sa ipinadalang mensahe sa Manila Bulletin.
Samantala, ayon sa ulat ng Department of Energy (DOE) noong Linggo, Nobyembre 9, hindi bababa sa 42 gasoline stations ang hindi nagagamit dahil sa pinsala at kawalan ng kuryente sa Antique, Capiz, Negros Occidental, Cebu, at Leyte.
Gayunpaman, nanindigan ang DOE na nananatiling sapat at stable ang kasalukuyang suplay ng gasolina.
Kaugnay na Balita: PBBM, kinasa 1 taon 'state of national calamity' dahil sa bagyong Tino
MAKI-BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund