Pumalo na sa higit 7,000 mga pasahero ang kasalukuyang stranded sa mga pantalan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa dahil sa hagupit ng bagyong Uwan, ayon sa 4 AM to 8 AM Maritime Safety Advisory ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Nobyembre 10.
Sa kabuoang bilang ng 7,213, kasama rin dito ang truck drivers, cargo helpers, 3,663 rolling cargoes, 171 vessels, at 28 motorbancas.
Habang 541 vessels at 185 motorbancas ang kasalukuyan nang lumikas sa mas ligtas na lugar.
Ang mga bilang din na ito ay mula sa mga rehiyon ng Central Luzon, Central Visayas, Bicol, Northeastern Mindanao, Western Visayas, Southern Visayas, Eastern Visayas, Southwestern Mindanao, Southern Tagalog, at Northern Mindanao.
Sa kaugnay na ulat, mula sa pagiging “super typhoon” humina na bilang “typhoon” ang bagyong Uwan at wala na sa kalupaan, ayon sa 8:00 AM weather report ng PAGASA.
KAUGNAY NA BALITA: Bagyong Uwan, humina at wala na sa kalupaan
Sean Antonio/BALITA