December 13, 2025

Home BALITA National

Foreign Direct Investment ng Pinas, lumagapak sa 40%—BSP

Foreign Direct Investment ng Pinas, lumagapak sa 40%—BSP
Photo courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (FB), MB FILE PHOTO

Nakapagtala ng pagbasak na aabot sa 40.5% ang Foreign Direct Investment (FDI) ng bansa nitong Agosto 2025 kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon. 

Ayon sa bagong tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo sa $494 million ang FDI net inflows ng bansa para sa buwan ng Agosto ngayong taon. 

Lubhang mas mababa ito kumpara sa $830 million FDI net inflows ng bansa noong Agosto 2024 at lalo na sa $1.268 billion na nakamit ng bansa noong Hulyo 2025. 

Photo courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (WEBSITE)

Photo courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (WEBSITE)

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Dahil rito, mayroon nang kabuuang tala na  $5.18 billion FDI net inflows ang bansa mula noong simula ng Enero hanggang sa kasalukuyan. 

Kung saan, higit na mas mababa pa rin ito ng 22.5 porsyento kumpara sa kabuuang FDI net inflows ng bansa noong Agosto 2024 na $6.686 billion

Ayon sa World Bank, ang FDI ay ang net inflows ng mga investment mula sa mga foreign investors para magtagal ang pamamahala sa interes ng enterprise sa isang ekonomiya. 

“Foreign direct investment are the net inflows of investment to acquire a lasting management interest (10 percent or more of voting stock) in an enterprise operating in an economy other than that of the investor,” anila.

Dagdag pa ng World Bank, “It is the sum of equity capital, reinvestment of earnings, other long-term capital, and short-term capital as shown in the balance of payments. This series shows net inflows (new investment inflows less disinvestment) in the reporting economy from foreign investors, and is divided by GDP.” 

Sa madaling salita, ang FDI ang isa sa mga mahalagang susi para sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya ng bansa mula sa mga foreign investments na natatanggap nito. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita