Binanatan ni Cebu 5th District Representative Vincent Franco “Duke” Frasco si Cebu Governor Pam Baricuatro na itigil na umano ang pamumulitika, at umpisahang makiisa sa pagtulong sa bayan ng Liloan, Cebu.
Sa ibinahaging Facebook post ni Frasco nitong Linggo, Nobyembre 9, binigyang-diin niyang kailangan nila ay ilang clearing assistance equipment, at hindi ang camera at social media teams’ attacks ng gobernador.
“Hunong na, sakto na ang sige’g pamulitika! Stop politicking and start governing, Governor of Cebu! This is the time for us Cebuanos to come together and help one another. Gov, we don’t need your cameras or your social media teams’ attacks. What we need are your excavators, payloaders, bulldozers, and backhoes to help us on the ground. We need your help. Asa naman mo?” ani Frasco.
Isiniwalat niya ring agarang nagpadala ng tulong ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Local Government Units (LGU), pati na rin ilang mga pribadong sektor.
“Since November 5, the DPWH, LGU, and private sector have immediately deployed all available resources, and clearing operations have been ongoing. But up to now, the Province of Cebu has not sent a single piece of heavy equipment or any clearing assistance to Liloan,” saad pa niya.
Ipinagdiinan niya ring parte pa rin ng Cebu ang bayan ng Liloan, kung kaya’t nararapat nila umanong tulungan ito, kahit sila pa ay may “political differences.”
“Liloan urgently needs help. Despite our political differences, Liloan is still part of Cebu, and the Liloanons are Cebuanos, too. Tabangi ang Liloan, Gov, ayaw daug-dauga tungod lang sa politika kay ang tawo ang mag-antos,” pagtatapos niya.
Photo courtesy: Duke Frasco/FB
Matatandaang nagkaroon na ng magkaibang panig si Frasco at Baricuatro patungkol sa ilang mga proyekto sa probinsya ng Cebu.
Kamakailan, nagpasaring si Rep. Frasco sa gobernador matapos nitong tanggihan ang ideya ng pagpapatayo ng isang secondary international airport sa Cebu. Sabi ni Frasco, nagpahayag agad ang gobernador nang hindi inaaral ang naturang proposal.
Kaugnay nito, tila nagtalo rin ang dalawa hinggil sa pag-upgrade ng Danao hospital mula sa Level 1, papuntang Level 2. Saad ni Baricuatro, hindi naman na ito need ng “congressional approval” o “bill” upang ma-upgrade ang naturang pasilidad.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Baricuatro tungkol dito.
Vincent Gutierrez/BALITA