December 12, 2025

Home BALITA National

Paglabas sa bansa ng mga lokal na opisyal, ipinagbawal ng DILG para sa bagyong Uwan

Paglabas sa bansa ng mga lokal na opisyal, ipinagbawal ng DILG para sa bagyong Uwan

Ipinagbawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang paglabas ng bansa ng mga lokal na opisyal ng bansa bunsod ng banta ng super typhoon Uwan.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, magtatagal ang naturang suspensyon mula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 15, 2025.

Paalala ng DILG, kailangang manatili sa kani-kanilang nasasakupan ang mga gobernador, alkalde, kapitan ng barangay, at iba pang opisyal upang pangunahan ang paghahanda at pagtugon ng mga apektadong lugar bunsod ng nasabing bagyo.

Giit pa ng mga lokal na opisyal na sa ilalim ng Local Government Code of 1991 at Republic Act No. 10121, sila ang chairperson ng kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) at kinakailangan ding pisikal na pinangungunahan ang pagtugon sa pagtama ng mga kalamidad.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Matatandaang kamakailan lang nang mag-viral ang ilang alkalde ng Cebu na lubhang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Tino, matapos kumalat sa social media ang kani-kanilang travel authorities na pawang mga nakaalis umano sila ng bansa bago pa tumama ang naturang nakaraang bagyo.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Travel authority' ng ilang Cebu Mayors bago ang pananalasa ng bagyong Tino, pinutakti ng netizens