December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kakapal ng mukha n'yo!' Regine nagngitngit sa lahat ng sangay ng gobyernong walang malasakit

'Kakapal ng mukha n'yo!' Regine nagngitngit sa lahat ng sangay ng gobyernong walang malasakit
Photo courtesy: Regine Velasquez (IG)

Tila nanggigil sa galit si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid matapos ang panibagong serye ng pagbaha sa bansa, at hayagan niyang sinisi ang ilang sangay ng pamahalaan na pinapayagan umano ang patuloy na pagkasira ng kalikasan.

Sa isang matapang na Instagram post, ibinahagi ni Regine ang isang video ng yumaong dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez, isang kilalang tagapagtanggol ng kalikasan, na muling umalingawngaw ngayon dahil sa patuloy na pinsalang dulot ng malalakas na bagyo at pagbaha.

Mapapanood sa pahayag ng pumanaw na advocate ng kalikasan, "If you kill the environment, you kill everything. 1/3 of the Filipino depends on our natural resources. Sino ang nagdudusa kapag winawasak 'yong kalikasan? Sino?! 'Yong mahihirap!” ani Lopez sa isang press conference matapos ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang kaniyang pagkakatalaga bilang Environment Secretary noong 2017.

“And whose duty is it to protect the people? It’s the government. And when you make decisions based on business interests, you have shirked your responsibility. You have lost the moral ascendancy to rule the government because, to you, business and money is more important than the welfare of our people,” saad pa niya.

Tsika at Intriga

Bianca dadalhin sa langit si Will, si Dustin naman sa impiyerno

Mababasa naman sa Instagram post ni Ate Reg, Sino ba ang nagbigay ng permiso butasin ang ating kabundukan putulin ang mga puno sirain ang karagatan!!!!!! SINO!!!!!! Hindi na natin maibabalik ito sa dating ganda. Sino pa ang magsasalba sa atin pag may bayo. SINIRA NYO NA LAHAT PARA ANO SA KAYAMANANG HINDI NYO MADADALA SA HUKAY!!!!!!"

Hindi itinago ni Regine ang kanyang pagkadismaya at galit. Sa caption, binigyang-diin niya na oras na para managot ang mga sangay ng gobyernong umano'y nagpapabaya sa kapaligiran at sa kaligtasan ng mga Pilipino.

"Sa lahat ng sangay ng gobyernong walang malasakit ANG KAKAKAL NG MUKHA NYO KAYO ANG MAY KASALANAN SA LAHAT NG NANGYAYARI SA PILIPINO!!!!!!!!!" aniya pa.

Sumuporta naman ang maraming netizens sa kaniyang paninindigan, at maraming nagkomento na panahon na raw upang seryosohin ang usapin ng climate resilience at environmental protection. Maraming followers ang nagpahayag ng paghanga sa tapang ni Regine na magsalita para sa kapakanan ng nakararami.

"nakakadurog ng puso, binaboy niyo ang Pilipinas!!!"

"Louder! Sigawan mo sila mama Reg!"

"The world belongs to the brave who speaks up. Love this post."

"love you Miss Regine... Kasi di ka takot magpahiwatig ng galit na nararamdaman mo.. ang kakapal po at mga demonyo po talaga gobyerno natin mga takaw na takaw sila pera ang dami na nilang ninakaw pero sigi parin sila . Kunwari pa nilulutas ang kaso sa senado pero ang totoo magkakampi silang lahat na practice na po nila ang mga eksenang ginagawa nila kunwari pa nagalit ang mister ni puso pero ek ek lang naman nya yun kasi daw inutos ni lason na walang c... Para daw fi obvious na gawa gawa jila ang lahat ... Kakapal ng apog nila.. Lors kayo napo magkulong sa kanila ng umayos na ang Pilipinas"

"Gina Lopez was right all along. Corrupt businesspeople and government officials hated her.. some even wanted her silenced..because she stood fearlessly for the environment and refused to let greed destroy our mountains for profit. And the moment she was gone, they wasted no time undoing everything she fought for. Government stopped caring about her advocacy!!! They chose money over our natural resources, profit over people, and power over principle. Now, our mountains are being torn apart and it’s the ordinary and poor hardworking Filipinos who pay the price…"

KAUGNAY NA BALITA: Netizens, binalikan pahayag ni Gina Lopez hinggil sa 'pagwasak ng kalikasan'