Binanatan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang pamilya umano ng mga korap kung sakaling may panibago raw na bagyong dumating sa bansa.
Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Nobyembre 9, 2025, iginiit niyang ang pamilya raw dapat ng mga korap ang siyang dapat ialay sa susunod na dadating na bagyo.“Sa susunod na bagyo, ialay natin yung mga pamilya ng mga buwaya sa baha, tignan natin kung magnanakaw ulit sila!” saad ni Barzaga.
Nagsimulang mag patutsada si Barzaga sa kasalukuyang administrasyon matapos ang pag-alis niya sa mayorya ng Kamara bunsod umano nang pagbintangan siyang may kinakalap na signature campaign laban kay House Speaker Martin Romualdez.
KAUGNAY NA BALITA: Cavite solon na iniugnay sa pagpapatalsik kay Speaker Romualdez, kumalas sa majority bloc
Samantala, matatandaang hindi ito ang unang pagkataong nagbanta si Barzaga hinggil sa isang progresibong pagtugon umano upang makapaningil ng mga korap.
Matatandaang magkasunod na bagyo ang nanalasa at patuloy na nananalasa sa bansa ang kasalukuyang hinaharap ng Pilipinas. Ayon sa datos ng mga awtoridad, mahigit 200 na ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Tino noong nakaraang linggo habang patuloy pa rin ang paghahanda ng ilang probinsya sa nakaambang pananalasa pa ng super typhoon Uwan ngayong Linggo.
MAKI-BALITA: ‘Justice must also be pursued!' Hustisya, panawagan ni Cebu Gov. Baricuatro sa sinapit ng kanilang lalawigan