Tila hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang caption ng anunsyo ng Department of Public Works and Highways (DILG) suspensyon ng mga klase sa Nobyembre 10-11, 2025.
"Mga Abangers. Wow. Malupit ang hagupit ni Uwan. Buong Luzon sapol," saad sa caption ng DILG.
Bunsod nito, marami sa comment section ang pumuna sa nasabing caption, lalo na’t hindi raw kais ito ang unang beses na sinita nila ang paraan ng pag-aanunsyo ng DILG sa suspensyon ng mga klase, magmula nang maupo si DILG Sec. Jonvic Remulla bilang kanilang kalihim.
“Utang na loob, kung hindi ninyo sisibakin itong DILG Sec na puro papogi lang, huwag ninyong ipahawak ang soc med management!”
“INSENSITIVE at its finest!”
“Di biro,pero may WOW?”“The caption tho huh?!”
“The tone is very BAKYA.”
“Not so good for a caption at this time.”
“People are dying caption mo ganyan.”
“Be sensitive with your caption. This isn’t a joke.”
“Pantanga caption 'yarn? Napaka-insensitive n'yo!”
“With all due respect, Filipino lives are at risk. Siguro the self-expression can wait, ano po?”
Matatandaang minsan nang binakbakan ng netizens ang kakaibang caption ni Remulla sa DILG posts lalo na sa suspensyon ng mga klase. Ngunit depensa noon ng kalihim, “Siguro, hindi nila ako naiintindihan. Pabiro talaga ako. Hindi ko minamaliit ang pinaghihirapan nila.”
“Ang ginagawa ko lang, ang pagpapaalala, ginagawa kong mas magaang para hindi naman negative vibes lagi ang naririnig,” anang DILG secretary.
KAUGNAY NA BALITA: Depensa ni DILG Sec. Jonvic mula sa bashers: ‘Pabiro talaga ako!’
Maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay ipinagtanggol ang kritisismong tinanggap ni Remulla.
“Criticize him for the way he speaks? That’s the way he speaks. As long as he gets his message across… as long as he achieves that, I’m not exactly a judge of literary style,” ani PBBM.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, binoldyak bashers ni DILG Sec. Remulla: 'That’s the way he speaks!'