Mag-ina, magkakapatid at magpipinsan ang sama-samang tinangay ng rumaragasang baha sa Cebu sa kasagsagan ng bagyong Tino.
Tinatayang 10 kaanak kabilang ang isang taong gulang na bata ang nasawi sa trahedyang sinapit ng pamilyang Yosares at Betinol.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Jackqueline Jhen Yosares, pamangkin ng magkapataid na nasawing sina Venus Yosares at Gina Betinol, inilahad niya kung ano ang sinapit ng kanilang mga kaanak habang patuloy na tumataas ang tubig-baha noong Martes ng madaling araw, Nobyembre 4, 2025 sa Sitio Common, Barangay Bacayan, Cebu City.
“Tumawag lang yung ante ko po na si Daisy Yosores kapatid nina Gina at Venus noong around 4 am na na trap daw sila (pamilya nina Gina at Venus) sa bahay nila at tumaas nang tumaas po yung baha po hanggang sa hindi na po sila makalabas,” paglalahad ni Jackqueline.
Ayon pa kay Jackqueline nasa iisang bahay ang pamilya nina Gina at Venus nang mangyari ang trahedya.
“Nasa iisang bahay sila nung nangyari ‘yon po kasi umakyat or lumipat po kasi sina Gina atsaka si kevin sa kisame po nila papunta po sa bahay ni Venus Yosores po kasi mas mataas yung bahay nila Venus po,” saad niya.
Sa lakas ng pagragasa ng tubig, nasira ang bahay nina Venus, dahilan upang sama-sama silang matangay ng rumaragasang tubig.
Matapos ang paghupa ng baha at paghahanap sa kanila, patay na nang matagpuan ang kanilang mga katawan habang dalawa pa ang patuloy na pinaghahanap.
Kapuwa nasawi si Gina at kaniyang anak na si Kevin na sinubukan pang makilikas sa bahay nina Gina. Nasawi rin si Gina at kaniya pang mga anak na sina Queency, Dinavie, Abegail, Chris Jean at Kathleen. Kasama rin sa nasawi ang anak ni Dinavie na sina Amelia at at Azania Alilin.
Samantala, patuloy naman ang paghahanap kina Jonroe Alilin—live in partner ni Dinavie at David Yosares Son na anak ni Venus.
Kasalukuyan ng nakaburol ang mga labi ng 10 biktima sa Bacayan Gym.
Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong, personal na ibinahagi ni Jackquelin ang kaniyang contact number. Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa: 09104806026.