Tinanggap ni Vice President Sara Duterte sa Office of the Vice President (OVP) ang ambassadors ng mga bansang Italy at United Kingdom na nagpaabot umano ng pakikiramay para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino.
Ayong sa isinapublikong mga larawan ng OVP sa kanilang Facebook page noong Sabado,, Nobyembre 7, makikitang kadaupang-palad ni VP Sara sina Ambassador Davide Giglio (Italy) at Ambassador Sarah Hulton OBE (UK).
“Tinanggap ng Office of the Vice President ang mga Ambassadors ng Italy at United Kingdom sa isang pagpupulong kung saan isa sa mga natalakay ay ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa Bagyong Tino,” mababasa caption ng OVP.
Photo courtesy: OVP (FB)
Pagpapatuloy pa nila, nagpaabot din daw ng pakikisimpatya ang mga nasabing Ambassador para sa paparating na Bagyong Uwan.
“Ipinarating din nila ang kanilang kalungkutan at pag-aalala sa nalalapit na Bagyong Uwan, at ang kanilang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa panahong ito ng pagsubok,” pagtatatapos pa nila.
Matatandaang noong Martes, Nobyembre 4 nang bayuhin ng bagyong Tino ang rehiyon ng Visayas na nagpadapa sa ilang mga lalawigan kabilang na ang Cebu.
Nakataas na ang National State Calamity kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong": Marcos, Jr., matapos ang patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga nasawi.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund
MAKI-BALITA: Kahit wala pa sa PAR: Wind signal no. 1, nakataas na sa paparating na Bagyong 'Uwan'
MAKI-BALITA: OVP, nagpaabot ng tulong sa naapektuhang pamilya sa Cebu
Mc Vincent Mirabuna/Balita