December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Shuvee Etrata, etsapuwera na sa pelikula ni Vice Ganda?

Shuvee Etrata, etsapuwera na sa pelikula ni Vice Ganda?
Photo courtesy: Shuvee Etrata (IG), Vice Ganda (FB)

Intriga ngayon ng netizens ang hulang niligwak na umano sa pelikulang “Call Me Mother” ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata. 

Ayon sa tsika ni Showbiz Insider Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel noong Biyernes, Nobyembre 8, sinabi niyang napag-uusapan ngayon sa social media ang isang poster na inupload sa Facebook page ni Vice Ganda noong Nobyembre 4, 2025. 

“Nabasa ko lang sa comment section sa isang post ng page ni Vice Ganda,” pagsisimula ni Ogie. 

“Kung saang dito ay parang hinahanap ng mga tao kung nasaan na raw si Shuvee. Bakit daw si Mika, Brent, at Klarisse De Guzman lang ang naroroon,” dagdag pa niya. 

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Photo courtesy: Vice Ganda (FB)

Photo courtesy: Vice Ganda (FB)

Pagpapatuloy ni Ogie, inurirat daw ng netizens ang dahilan kung bakit hindi kasama si Shuvee sa nasabing poster. 

“Hinahanap nila si Shuvee tapos mayroon pang nagsabi na talagang scratch na ni Vice Ganda itong si Shuvee kaya wala raw siya sa poster. ‘Yong iba naman sa comment section, nagko-comment sila na Diyos ko raw, hindi raw basahin nang maigi,” anang showbiz insider. 

Giit naman ni Ogie, tungkol daw sa Christman lighting sa Araneta ang nilalaman ng nasabing poster at hindi sa pelikula nina Vice Ganda. 

“Mapapansin natin doon sa poster na ‘yon, November 6. Ito ‘yong Christmas lighting na ginanap sa Araneta kung saan guest si Klarisse, si Brent, at si Mika kaya wala naman doon si Shuvee. ‘Yon ‘yong totoo doon pero nang-iintriga na agad ang mga netizens,” paglilinaw niya. 

Ayon pa kay Ogie, ilan din sa mga tinitingnang resibo ng netizens ang naging kontrobersyal na usapin noon kay Shuvee sa dati niyang vlog na “Jojowain o Totropahin.” 

“Kasi nga galing sila doon sa naresibuhan dati si Shuvee na nandiri itong si Shuvee kay Vice Ganda doon sa ‘Totropahin o Jojowain’ content ni Shuvee. Plus the fact na isa raw DDS si Shuvee kaya raw na-scratch na at kaya raw hindi nakikita doon sa It’s Showtime,” pagtutuwid niya. 

MAKI-BALITA: 'Taken out of context?' Shuvee, inesplika bakit nag-ewww kay Vice Ganda noon

Dagdag pa ni Ogie, hindi pa rin daw nabubura ang pangalan ni Shuvee sa poster ng pelikulang “Call Me Mother” nina Vice Ganda. 

“Pero sa poster naman ay naroon si Shuvee kasama sina Brent Manalo, si Mika, si Klarisse, si Esnyr, si River Joseph,”  pag-iisa-isa ni Ogie. 

“Kasi nga hindi na raw nakikita ng mga tao si Shuvee sa It’s Showtime kaya nag-conclude na sila na baka doon nanggagaling ‘yong ngitngit ni Vice kay Shuvee,” pahabol pa niya.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, inispluk dahilan kung bakit wala si Shuvee Etrata sa ‘It’s Showtime’

Mahalaga raw na makausap niya si Vice ganda upang malaman ang katotohanan. 

“Syempre kailangan pa rin nating makausap si Vice Ganda kung totoo bang natabangan na siya kay Shuvee, toto bang binawasan ang mga eksena ni Shuvee sa pelikulang Call Me Mother,” pagtatapos pa ni Ogie. 

Samantala, inespluk din ni Ogie, na ayon raw sa kaniya “source,” hindi raw totoong nag-sorry si Shuvee kay Vice Ganda sa mga kontrobersyal na usaping nadawit ang pangalan nila. 

MAKI-BALITA: 'Huwag kayo mag-alala, natuto na ako!' Shuvee Etrata, nagsalita matapos ma-bash dahil sa politika

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita