Itinigil muna ang mga operasyon ng search and rescue at sinimulan ang mga preemptive evacuation nitong Sabado habang papalapit sa bansa ang Bagyong Fung-wong (Uwan), ilang araw matapos manalasa ang isa pang bagyo na kumitil ng hindi bababa sa 204 na buhay.
Ayon sa mga meteorologist ng gobyerno, inaasahang magiging “super typhoon” si Fung-wong bago ito tuluyang tumama sa kalupaan. Mayroon itong napakalawak na saklaw na “halos matatakpan ang buong bansa,” ayon sa ulat ng weather bureau.
"Apart from the strong winds, we can also expect heavy rains ... 200 millimetres (eight inches) or higher rainfall, which can cause widespread flooding, not just in low-lying areas,” ani meteorologist Benison Estareja sa press briefing nitong Sabado, Nobyembre 8, 2025.
Saad pa niya, “It's also possible that our major river basins will overflow.”
Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong alas-11 ng umaga, kumikilos pa-kanluran ang bagyo patungong pangunahing isla ng Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 140 kilometro bawat oras at bugso na aabot sa 170 kph.
Sa lalawigan ng Aurora, kung saan inaasahang tatama si Fung-wong sa pagitan ng Linggo ng gabi o Lunes ng madaling-araw, nagsasagawa na ang mga rescuer ng house-to-house operation upang hikayatin ang mga residente na lumikas patungo sa mas mataas na lugar.
“We are preemptively evacuating people in areas that may be high-risk for flooding," saad naman ni provincial rescuer Elson Egargue
Samantala, sa Catanduanes, isa sa mga lugar na posibleng direktang tamaan ng bagyo ayon sa state weather service, abala ang mga residente sa pagpapatibay ng kanilang mga bahay at paglalagay ng pabigat sa bubong bilang paghahanda.
Noong mga nakaraang araw, binaha ng Bagyong Kalmaegi ang mga bayan at lungsod ng Cebu, kung saan inanod ang mga sasakyan, barung-barong sa gilid ng ilog, at maging malalaking shipping container.
Batay sa disaster database na EM-DAT, si Kalmaegi ang pinakamapaminsalang bagyo ng 2025, na pumatay ng hindi bababa sa 204 katao at nag-iwan ng 109 na nawawala, ayon sa pinakahuling datos ng pamahalaan.
Limang iba pa ang naiulat na nasawi nang dumaan ang bagyo sa Vietnam noong Biyernes.
Ayon kay rescue official Myrra Daven sa panayam ng Agence France-Presse (AFP), napilitan silang itigil ang mga operasyon ng paghahanap at pagsagip sa lalawigan, na tinukoy na lugar kung saan halos 70 porsyento ng mga nasawi sa Bagyong Kalmaegi ay naitala.
“We were ordered to temporarily stop the search, rescue and retrieval at 3 pm today,” ani Daven.
Aniya, "We cannot risk the safety of our rescuers. We don't want them to be the next casualties.”
“We're expecting this number to increase, because there are still areas we cannot penetrate. Some access routes are still blocked by soil and other things," giit pa niya.