December 12, 2025

Home BALITA National

NDRRMC, idineklara 'State of National Calamity' sanhi ng bagyong Tino

NDRRMC, idineklara 'State of National Calamity' sanhi ng bagyong Tino
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, BALITA FILE PHOTO

Pormal nang pinagtibay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Proclamation No. 1077 na nagdedeklara sa State of National Calamity ng bansa sanhi ng pananalasa ng Bagyong Tino. 

Ayon sa isinapublikong dokumento ng NDRRMC sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Nobyembre 8, makikitang pirmado na ni NDRRMC Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr., ang naturang proklamasyon. 

Photo courtesy: NDRRMC (FB)

Tatagal umano ang pagsasailalim ng bansa sa “state of national calamity” ng isang taon mula Nobyembre 7, 2025 o sa panahon na pormal na bawiin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“The operative provision of Proclamation No. 1077 declaring a state of national calamity due to Typhoon ‘Tino’ shall by necessary implication be interpreted to encompass all natural calamities occurring within one (1) year from November 7, 2025 unless sooner lifted by the President,” mababasa sa post ng NDRRMC. 

Matatandaang nauna nang magbaba na ng “National State of Calamity” si PBBM sa bansa matapos makapagtala ng malalaking bilang ng mga nasawi matapos ang pananalanta ng Bagyong “Tino.”

MAKI-BALITA: PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund

“Mabigat talaga ang pagkatama sa Cebu, regions 6,7,8, MIMAROPA, umabot sa Negros Island region, so we are doing our usual relief and support activities para lahat ng mga na-displace, lahat ng biktima, ay matulungan ng pamahalaan,” saad ni PBBM.

“We are also doing everything we can para ma-anticipate at makapaghanda tayo nang mabuti dito naman sa parating na Typhoon ‘Uwan,’ because of the scope of the problem areas that has been hit by Typhoon ‘Tino’ and will be hit by ‘Uwan,’ there will almost be 10, 12 regions that will be affected,” paliwanag ni PBBM. 

“That gives us quicker access to some emergency funds, number one. Secondly, mapapabilis ang ating procurement so that we don’t have to go to the usual bureaucratic procedures and we can immediately provide assistance to the victims of all the storms,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Maynila, nakataas na sa ‘Red Alert Status’ dahil sa inaasahang epekto ng bagyong ‘Uwan’— MCDRRMC

Mc Vincent Mirabuna/Balita