Itinaas na ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council (MCDRRMC) ang “Red Alert Status” sa lungsod ng Maynila bilang paghahanda sa epekto ng bagyong “Uwan.”
Ang anunsyong ito ay alinsunod sa direktiba ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles, para matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga kaganapan sa kasagsagan ng bagyo.
Inabiso rin ng MCDRRMC ang mga Manileño na maging mapagmasid at agad na itawag sa tanggapan ang anumang emergency.
“Sa kabila nito ay inaabisuhan natin ang publiko at kapwa nating Manileño na maging mapagmasid at itawag sa aming tanggapan ang anumang emergency, 0932-662-2322,” saad ng tanggapan sa kanilang pahayag.
Sa kaugnay na ulat, ayon sa PAGASA, inaasahan na maabot ng “Uwan” ang “super typhoon” category sa Sabado ng gabi, Nobyembre 8, o umaga ng Linggo, Nobyembre 9.
Inaasahan ding mag-landfall ito sa southern portion ng Isabela o northern portion ng Aurora, hapon ng Nobyembre 9, o umaga ng lunes, Nobyembre 10.
Sean Antonio/BALITA