Usap-usapan ngayon online ang intrigang buntis ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio sa ka-long-time relationship niya na aktor at dating Hashtags member na si Ronnie Alonte.
Ayon sa inespluk ng Showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanilang sa YouTube channel noong Biyernes, Nobyembre 7, tinalakay nila ang usap-usapan umano sa social media na isang aktres na buntis sa karelasyon nitong “guwapong aktor.”
“May tinutukoy na aktres na di umano ay buntis daw sa kaniyang jowang aktor na guwapo, pagsisimula ni Ogie, “sinasabi pang ‘di ba magka-live in sila?”
Ani Ogie, wala raw dumarating na balita tungkol sa ganoong issue sa kaniya, partikular sa inespluk niyang si Loisa.
“Sabi ko naman, Diyos ko, parang wala naman lumalabas na ganoong issue na buntis daw[...] ang tinutukoy ko nga ay si Loisa Andalio,” paglilinaw niya.
“Anyway, sagutin na rin ni Loisa kung gaano ito katotoo na siya ay preggy ngayon,” dagdag pa ni Ogie.
Pagpapatuloy pa ni Ogie, may nakarating daw na tsikang may pumuntang doctor sa bahay ng nasabing aktres.
“Ito pa ang isang balita, ang sinasabi, parang may nagpa-check up daw [sa kanila]. Pinapunta ‘yong doctor doon sa bahay [nila] para check up-in daw itong si Loisa,” saad niya.
“Tapos akala no’ng doctor, parang isa sa kasama sa bahay lang ‘yong papa-check up, ‘yon pala [ay] si Loisa [raw],” intriga pa ni Ogie.
Samantala, personal daw na tinanong ni Ogie ang isa sa mga kaanak ni Ronnie kung totoo nga ba ang balitang umiikot online.
“Tinanong ko ‘yong isang kamag-anak ni Ronnie Alonte. Ang sabi niya, ‘parang ‘di naman totoo, Ogie. Kasi ang alam ko [ay] breadwinner ng pamilya si Loisa,” pagtatapos pa niya.
Samantala, wala pa namang paglilinaw na inilalabas sina Loisa at Ronnie kung totoo nga ba ang intriga ng mga tao sa kanila.
MAKI-BALITA: Loisa Andalio, sinariwa 8 years na pagsasama nila ni Ronnie Alonte: 'Nakakaiyak!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita