December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Inggit sa subuan ng WillCa! Esnyr humirit, tinawag na 'babe' si Donny Pangilinan

Inggit sa subuan ng WillCa! Esnyr humirit, tinawag na 'babe' si Donny Pangilinan
Photo courtesy: Will Ashley, Esnyr (IG)

Nagpasabog ng kilig at katatawanan ang content creator at Kapamilya artist na si Esnyr Ranollo matapos niyang magkomento sa larawan ng kapwa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates na sina Kapuso star Will Ashley at kapwa Kapamilya artist na si Bianca de Vera o shini-ship bilang "WillCa" love team.

Makikitang tila enjoy na enjoy ang WillCa habang lumalantak ng pizza bilang bahagi ng kanilang bagong endorsement para sa isang kilalang pizza chain.

At dahil tila napainggit ang internet personality, agad siyang nagbato ng witty comment—na nagdulot ng halakhak at kilig reactions mula sa fans.

Naka-tag ang komento sa Kapamilya star na si Donny Pangilinan.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

“Papahuli ba tayo babe @donny?!?!”" anang Esynr.

Photo courtesy: Screenshot from Will Ashley (IG)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"ilaban mo!"

"goooo maaaa"

"go mhiee, wag kayo patalo"

"waitingggg maam castro x Donny subuan entry"

"waiting sa entry"

"we're seated!"

Kilala si Esnyr sa kaniyang comedic timing at mga nakaaaliw na content sa social media gaya ng relatable skits tungkol sa buhay estudyante, hanggang sa pasukin na rin ang mundo ng mainstream showbiz.

Habang nasa PBB, isinalaysay ni Esnyr sa kapwa housemates kung gaano kabuti ang puso ni Donny nang minsan silang magkasama sa shooting ng isang movie project.

Matatandaang nakasama ni Esnyr si Donny at ang katambal nitong si Belle Mariano sa pelikulang “Love is Color Blind” noong 2021.

KAUGNAY NA BALITA: Donny, ‘pinakatotoong tao’ sa showbiz sey ni Esnyr

“Pinaka-genuine at pinakatotoong taong nakilala ko po dito sa showbiz. No’ng una ko pong movie is kasama ko sila,” lahad ni Esnyr, sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila.

“At no’ng pack up na po ako,” pagpapatuloy niya, “hindi ko na po alam kung saan po ako pupunta. Mayro’n po akong taping money. Ta’s sabi ko, ‘Donny baka puwede mo akong i-help.’

Dagdag pa niya, “Ayaw niya na igastos niya ‘yong pera ko. Gusto niya sa bahay na lang po nila ako mag-stay. Tapos ako po siyempre nahiya po ako sa kaniya. Donny Pangilinan na po ‘yan.”

Ayon kay Esnyr, tinulungan daw siya ni Donny na humanap ng matutuluyan sa Manila. At sa loob ng isang buwan, talagang inasikaso raw siya nito. In fact, pinapadalhan pa nga raw siya ng pagkain!

“Akala ko po, first year lang po siya gano’n sa akin. Hanggang sa sobrang consistent po niya talaga sa akin,” ani Esnyr.

Sa ngayon, hinihintay ng netizens kung sasagot ba si Donny sa birong panghaharot ni Esnyr.