December 13, 2025

Home BALITA National

‘Huwag maging kampante!’ Lahat ng ahensya, naka-full alert na sa bagyong Uwan–PBBM

‘Huwag maging kampante!’ Lahat ng ahensya, naka-full alert na sa bagyong Uwan–PBBM
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na naka-full alert na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan sa nalalapit na pagdating ng bagyong Uwan.

Sa pahayag ni PBBM nitong Sabado, Nobyembre 8, ibinahagi niya na nakapag-deploy na ng mga bus at truck para sa evacuation ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). 

Habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Coast Guard ay mayroon nang mga nakaantabay na sasakyang pang-rescue, lifeboats, at relief goods sa mga lugar na maaaring tamaan ng bagyo. 

Suspendido rin ang toll fees para sa emergency convoy at responders, at naglaan din ng special lanes para sa mga sasakyang ito para mabilis na makarating sa high risk areas. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan naman ay kasalukuyan nang nagsasagawa ng mga paglilinis sa mga daluyan ng tubig at pagtatanggal ng mga sagabal sa mga kalsada.

Binuksan naman ng ilang establisyemento ang kanilang parking areas para magamit ng mga residente sa flood-prone areas. 

Binanggit din ng Pangulo na nagpapatuloy ang pre-emptive evacuation ng mga residente mula sa high-risk areas sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). 

Sa pagtatapos ng kaniyang pahayag, nagpaalala si PBBM na manatiling mahinahon ngunit huwag maging kampante, at sumunod sa mga direktiba ng mga LGU (local government unit) sa ligtas na paglikas at paghahanda sa bagyong Uwan. 

“Pinapaalalahanan ko ang lahat na manatiling mahinahon at huwag maging kampante. Sumunod sa mga abiso ng inyong LGU at agad lumikas kung kayo ay nakatira sa delikadong lugar. Ihanda ang inyong mga pangunahing pangangailangan at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo,” abiso ng Pangulo.

“Magkaisa tayo. Ang bawat segundo ay mahalaga,” aniya pa. 

Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Sean Antonio/BALITA