December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

BIR employee, 2 guwardiya, itinumba ng riding-in-tandem

BIR employee, 2 guwardiya, itinumba ng riding-in-tandem

Patay ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos barilin ng mga lalaking sakay ng motorsiklo sa Ipil, Zamboanga Sibugay noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 7—apat na araw lamang matapos matagpuang patay ang dalawang security guard sa parehong opisina.

Kinilala ng mga lokal na opisyal at ng Ipil Municipal Police Station ang biktima na si Jude Soriano Nario, 47 anyos, isang Internal Revenue Officer II na nakatalaga sa BIR-Ipil office. 

Ayon sa pulisya, agad na binawian ng buhay si Nario dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa imbestigasyon ni Lt. Roel Bais, kagagaling lang ni Nario at ng kaniyang asawa sa Mega Bites Restaurant sa Purok Malipayon, Barangay Poblacion, at papalapit na sa kanilang sasakyan nang lapitan sila ng dalawang armadong lalaki sakay ng motorsiklo at pagbabarilin.

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril, habang naiwan namang walang buhay si Nario at humihingi ng tulong ang kaniyang asawa.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang krimen, ilang araw matapos matagpuang patay ang dalawang guwardiya ng BIR na sina Arcadz Dawila Muharal, 41, at Dante Miro Jamie, 52, sa loob ng tanggapan noong Martes ng umaga, Nobyembre 4.

Ayon sa imbestigasyon, isang hindi pa nakikilalang lalaki ang pumasok sa compound ng BIR bago mag-hatinggabi ng Lunes at paulit-ulit na binaril ang mga guwardiya bago tumakas dala ang CCTV storage disk ng opisina.

Naniniwala ang mga opisyal ng bayan na magkaugnay ang dalawang insidente.

Samantala, iniutos ni Brigadier General Eleazar Matta, direktor ng Police Regional Office 9, sa mga lokal na pulis na makipag-ugnayan sa mga empleyado ng BIR at mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang agad na maresolba ang mga pamamaslang.