Nagbigay-linaw ang Kapuso star na si Bea Alonzo kaugnay sa kung handa na ba siya ulit tumanggap ng proyekto.
Ayon sa naging panayam ni Bea sa GMA News noong Biyernes, Nobyembre 7, sinabi niyang abala raw siya ngayon sa negosyo at personal niyang buhay.
“Right now, I’m focused on my business and in my personal life,” pagsisimula niya.
Ani Bea, raratsada raw ulit siya sa pag-arte kapag dumating na ang tamang proyekto sa tamang panahon.
“But it will come. Kapag dumating ‘yong tamang proyekto. Alam mo naman ang mga artista, may itch ‘yan, e. ‘Di ba?” saad ni Bea.
“Kapag nakita mo ‘yong tamang proyekto sa ‘yo, parang kahit na kalmado ako ngayon, I will get out of my shell to do something,” pahabol pa ng aktres.
Pagbabahagi ni Bea, tila pagtuklas sa sarili ang isa sa mga bagay na nagawa niya ngayong taon.
“Self discovery ang nangyari. Kindness to myself and letting myself find the right place,” aniya.
Samantala, sa usapin ng kaniyang relasyon sa businessman na si Vincent Co, nilinaw niyang hindi naman daw nakadepende kay Co ang takbo ng buhay niya ngayon.
“Parang same pa rin naman ako at saka ‘di naman nagdedepende ‘yong lifestyle ko sa partner ko. Again, I live on my own terms[...] ayaw ko lang pinag-uusapan ‘yong mga love live and I can only speak for myself,” paggigiit pa niya.
Matatandaang inespluk na rin mismo noon ni Bea ang kumpirmasyong sila na nga ni Co, nang makapanayam siya ng GMA News noong Agosto 2, 2025, sa idinaos na "GMA Gala 2025" sa Manila Marriott Hotel.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo sa relasyon nila ni Vincent Co: 'It's very obvious, we're together!'
Untag ng tagapanayam kay Bea, “But for the record are you guys dating, is it a confirmation?”
“I think it’s very obvious, yeah, that we’re together,” pakli ni Bea.
Natanong naman ang aktres kung masaya siya sa estado ng buhay pag-ibig sa ngayon.
“Yeah, yes, I’m very happy and I think it’s all I can share,” sagot pa ng aktres.
MAKI-BALITA: 'Glowing, not expecting!' Bea Alonzo busog lang, hindi buntis!
MAKI-BALITA: Erpat, ermat ng jowa ni Bea Alonzo kasama sa pinakamayayaman sa Pinas
Mc Vincent Mirabuna/Balita